37 | birthday salubong

515 19 9
                                    

Ion pov.

Hindi pa rin ako makapaniwalang girlfriend ko na talaga siya, official na!

"Ang ganda mo babe." Naka pout kong sabi habang pinapanood siyang mag bihis. White kasi ang dress code na binigay ni mama para sa birthday salubong ko.

"Bago ba yun?" Sagot niya at kumindat pa.

Nahapo ko ang puso ko dahil grabe pa rin ang kilig ko sakanya. Almost perfect ang girlfriend ko, hehehe!

"Hindi ka ba lalamigin sa suot mong to?" Lumapit ako sakanya at hinawakan ang magkabilang braso niya.

"Hindi naman siguro, saka ito kasi yung binigay na dress ng mama mo, ito daw ang i suot ko." Ngiting sagot niya at tumingin sa mata ko.

"I love you."

Ang sarap marinig yan mula sakanya.

"I love you too, sobra."

~

Paglabas namin ay naka set up pala ang dinner table sa beach mismo. Malayo pa lang ay kita na namin gano kaganda yun.

"Malapit na mawala sa kalendaryo ang edad mo, babe." Bulong ni Vice sakin habang naglalakad kami papunta kila mama.

"Ang ganda mo, Vice!" Puri ni Maia kay Vice.

"Ikaw rin!" Balik ni Vice dito.

Lahat pala silang mga girls ay naka long white dress iba iba lang ng style.

"Let's eat na." Ma awtoridad na sabi ni papa.

"Let's have a toast for my anak muna." Malakas na sabi ni Mama.

"To my baby, my forever baby, Ion." Emosyonal na sabi ni mama at rinaise ang wine glass.

"CHEERS!" 

Kumain kami ng mga finger food sabay sabay habang nakikinig ng mga kwento ni Jhong at Cat tungkol sakin.

Hindi ako maka focus sa mga biro nila sakin dahil masyado talagang maganda ang katabi ko.

"Ang ganda mo babe." Bulong ko ulit sakanya.

"Babe, shhh!" Suway niya sakin.

"Anak ng! Hoy, Ion, makinig ka naman sa mga kwento namin, mamaya na kayo mag harutan diyan." Kunwaring inis na sabi ni Jhong at nag tawanan kami.

"Ewan ko sayo." Inirapan ko lang siya.

Naisipan ni mama na mag bibigay ang lahat ng birthday message sakin. Nakakahiya nung una pero kasi naman, minsan ko lang makasama sila mama sa birthday ko kaya sige na nga, hays!

Puro tungkol sa business ang nabanggit ng parents ni Cat, si Cat naman ay tungkol sa happiness ko. Si Jhong at Maia ay good health naman at peace of mind, habang si papa at mama naman ay pinasalamatan lang ako.

"Uyyy, Vice ikaw na, yieee!"

"Vicey, nak, ikaw naman."

Pulang pula naman si Vice dahil kanina pa siya inaasar ni Mama, Jhong at Cat.

Ang cute ng girlfriend ko!

"Happy birthday, babe, lahat naman na ata meron ka, at lahat naman siguro ng mahihiling mo ay makukuha mo, my only wish for you is sana...sana even if you're in a midst of darkness, sana, you'll always find a way to be okay again, to be happy again, to smile again. I wish you nothing but true and genuine happiness."

Sinasabi niya ang mga yun habang naka tingin sakin.

"I love you." Bulong niya pa.

"Awww, so sweet!"

Hinintay namin mag 11:30 bago kumain ng sabay sabay. Sakto dahil gutom na rin ata ang lahat.

~

12:00 November 27

"Happy Birthday, Ion!" Sabay sabay nilang sigaw.

Ang saya, ang sarap sa puso. Yumakap naman at bumeso sila sakin isa isa. Syempre di papahuli ang girlfriend ko, kiss ang samin. Hehehehe!

May mga regalo rin sila, nakakatawa dahil may mga bitbit pa ako pa Manila. Hay!

"Picture-an namin kayo, nak."

Pumayag naman kami agad pareho ni Vice. Tumayo kami mag katabi at hinawakan ko ang balakang niya at linagay naman niya ang kamay niya sa bandang tiyan ko.

May dala palang instax si mama. Para daw ma develop agad ang picture. Ang ganda ng filter, parang luma na malabo, sabi nga ng girlfriend ko, aesthetic!

 Ang ganda ng filter, parang luma na malabo, sabi nga ng girlfriend ko, aesthetic!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Thank you, tita." Sabi ni Vice kay mama at bumeso pa.

"You look gorgeous, anak. Please, be Ion's true and genuine happiness." Bulong ni mama kay Vice pero narinig ko.

"I will try my best, tita, I will try my best." Tumatango pang sagot ni Vice.

12:30 ay tumigil na rin kaming lahat sa pag inom. Balik kwarto na ang lahat dahil puro matatanda ang kasama namin.

"Good night, guys, thank you ma for making this celebration perfect. Again, thank you, everyone!" Ngiting sabi ko bago pa man sila maka pasok ng kwarto.

"Napagod ka?" Tanong sakin ni Vice.

"Hmm, medyo, pero ayos lang, ikaw ba?"

"Ayos lang, masaya eh, di ako mapapagod."

"Napagod ako kaka ngiti sa mga message niyo, tapos ang ganda pa masyado ng katabi ko. Talagang nakakapagod ngumiti."

"Bolero!" Hinampas pa niya ang braso ko.

"Totoo, babe!"

~

Mabilis lumipas ang 3 days staycation namin sa Palawan. Naunang umuwi si mama at papa pati ang mga Grey dahil hindi pwedeng maiwan ang trabaho.

"Ingat, ma, pa, ingat po." Sabi ko bago isarado ng mga crew ang pribate plane.

Kumaway kaway pa si Vice sa mga ito habang papalipad ang eroplano.

"Solo na kita ngayon, babe. Ready ka na ba?" Pilyong sabi ko sakanya.

"Ikaw ang mag ready Mr Perez, baka hindi mo kayanin."

~

Puno ng mukha ni Vice ang cellphone ko.

"Post ko pictures natin sa ig." Ngiting sabi niya.

"Post ko rin sa ig ko." Inopen ko agad ang ig app pero hinila ni Vice ang kamay ko.

"Babe, wag muna, okay lang ba?"

Agad na kumunot ang noo ko. "Bakit hindi?"

"For sure lalabas sa media pictures natin, gusto ko kasing ipakilala ka muna kila nanay eh." Agad nawala ang lungkot sa mukha ko.

"Kelan mo ba balak?"

"Pag six months na tayo, hahahaha!" Biro niya.

"Sabi mo yan ah."

Hinayaan ko nalang siyang i post ang pictures namin sa ig niya dahil naka private naman siya.

"Nasabi mo na ba sa beks b ang meron satin?" Curious kong tanong.

"Oo naman, jusko, alam nila lahat ng nangyayari sakin, kaya wag mo akong sasaktan kasi isang battalion ng bakla ang lulusob sayo."

~

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now