13 | realisation

498 14 3
                                    

Ion pov.

Ang sakit.

Bakit ba ako nagkakaganito sakanya?

Ilang taon kong binuo ang matibay na konkreto para walang makapasok. Para di ako maabot, para di ako masaktan.

Pero pag dating sakanya..ako na mismo ang sisira sa konkretong ilang taon kong binuo para lang malapitan siya.

Oo na, gusto ko siya. Gustong gusto ko siya.

Simula nung unang sulyap ko sakanya, alam kong may katiting na pag hanga na akong nadama.

Hanggang sa siya nalang parati ang kasama ko, kumain, magliwaliw at mag trabaho.

Masyadong mabilis, oo. Pero masisi niyo ba ako?

Mabait na tao, maganda, magaling sa halos lahat ng bagay. Ano pa bang mahihiling ko?

Isang buwan na siyang liniligawan ni Abueva. At nung nalaman ko yun, duon ko lang na realized na gusto ko siya.

flashback

"Bakit ka ba nag kakaganyan nanaman, Ion?" Tanong ni Jhong.

"Matagal na akong ganito, Kuya." Seryoso kong sagot.

"Anong nangyari? Sabihin mo." Pakiusap niya.

Napayuko naman ako.

Ano nga bang nangyari?

"Walang nangyari at kahit kailan walang mangyayari." Malungkot kong sabi.

"Tungkol ba kay Vice to?" Tanong niya.

"Oo, kuya." Malungkot kong pag amin.

"Nakakainis, ngayon na nga lang magkakagusto ulit dun pa sa hindi ako gusto. Dun pa sa may ibang gusto. Ang duga duga." Pag mamaktol ko at mariing pinikit ang mata ko.

Sumasakit nanaman ang ulo ko kakaisip.

"Tsk. Sabi na eh." Natawa pa siya.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Bakit kasi hindi mo linigawan agad?" Tanong niya.

"Eh, natatakot ako eh." Nahihiyang sagot ko.

"Walang magagawa ang takot na yan. Umayos ka na at may umaaligid na ngayon." Advice sakin ni Kuya.

end of flashback

Amputa, masaya na kaming kumakain eh, may epal!

Kainis.

Badtrip akong sumakay ng elevator pabalik sa office ko.

~


mahabang update na next, promise!

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now