51 | sign it

398 23 13
                                    

Vice pov.

Nagsinungaling ako kay Ion. Hindi ako papuntang bahay ng mga beks. At lalong lalo na hindi ang mga beks ang tumawag sakin.

Si tita Maricel ang tumawag sakin at nakiusap siyang wag kong ipaalam kay Ion.

"Mag iingat ka, meme, okay?" Ani ni Chad bago igilid ang sasakyan.

Nandito na kasi kami sa harap ng cafe na sinend sakin ni tita.

"Thank you sa paghatid, Chad." Sabi ko at lumabas ng kotse.

Huminga ako ng malalim bago ako tuluyang pumasok sa loob.

"Vice." Rinig kong tawag sakin ni tita.

Nung liningon ko siya ay ngumiti agad ako at lumapit sakanya.

Kami lang dalawa ang nandito.

"I ordered your coffee already, I hope you don't mind." Sabi niya at umayos ng upo.

Umiling ako.

"Okay lang po tita, salamat." Sabi ko at humigop.

"Pasensya na sa mga masasakit na salita na nasabi ng asawa ko sayo. I'm very sorry, anak. Ako na ang humihingi ng pasensya para sakanya." Inabot pa ni tita ang kamay ko.

"Ayos lang ho." Tipid kong sagot.

Nalayo ang usapan namin kay tito nang tungin ako ni tita sa modeling gigs ko. Masaya ko siyang in-update sa mga nakukuha kong raket.

"Umiingay na rin ang pangalan mo."

"Oo nga ho, kaso lang pati media ay pinapa- kielaman na ang buhay ko." Malungkot kong sabi at napayuko.

"I'm partly at fault, so I'm telling you this again, I'm very sorry, anak, you don't deserve any of that. Wala rin akong magawa, pasensya."

"Ayos lang ho, tita, alam ko naman na po simula pa lang ang mundong pinasok ko."

Saglit na katahimikan ang nanaig sa table namin.

May kinuha si tita mula sa bag niya.

Brown envelope.

Tumindig ang mga balahibo ko. Ito na ba ang sampung milyon, layuan mo ang anak ko moment ko?

"Vice my son really loves you and he won't sign this kahit anong mangyare."

"I know that you've been doing his paperwork, that you can copy his sign. Vice, please." Linapag ni tita ang envelope sa harap ko.

Inabot niya ang kamay ko at hinawakan itong mahigpit.

"My family is my everything, Vice, and I can't afford to lose my family, at sa nangyayare ngayon..nag kakagulo na kami." Naluluha nang sabi ni tita.

"Tita hindi ko po maintindihan, ano pong gusto niyong gawin ko?" Tanong ko.

"Sign the contract for Ion, Vice. Anak, please?" Kita ko ang pagka desperada ni tita na matapos na ang problemang ito.

"Pero tita, mahal ko po ang anak niyo." Sagot ko.

"I know Vice, I know that you love him too, but is your love much worth it, Vice? May mawawalan na ng trabaho, nasisira na ang pamilya ko. So please, pag isipan mo, anak?"

Alam kong gini-guilt trip lang ako ni tita at nagagawa niya lang to dahil mahal niya ang pamilya niya.

"Ngayon nalang ulit nabuo ang pamilya ko. Ayaw ko na ng nagkakaganito kami. Tulungan mo ko, anak, gusto ko na ng masayang buhay. Kaya kung pwede, baka pwedeng ikaw na ang mag paraya."

Pinunasan ni tita ang mga luha niya at tumayo. Yumakap ito sakin ng mahigpit bago tuluyang umalis.

Nakatitig ako ngayon sa brown envelope na nasa harap ko.

Oh, Dios ko, di ko na ho alam kung ano ang gagawin ko. Nagmamahalan lang naman kami ni Ion. Bakit kailangan mangyari ang lahat ng to?

Inayos ko ang sarili ko at lumabas na rin ng cafe.

Sa bahay na ako ng beks pupunta, para kumuha ng damit at japan ang punta namin next week ni Ion.

"Babe, matagal ka pa?" Tanong ni Ion.

Naka voice call kami ngayon.

"Saglit nalang babe, pero baka mga ala una na ako maka rating, matulog ka na kung inaantok ka, may dala akong susi."

~

Pagdating ko sa bahay ng mga beks ay umiyak ako agad sakanila. Kwinento ko lahat ng nangyare at pinakiusapan silang walang lalabas at makakarating kay Ion.

"Ano nang plano mo, te?" Tanong ni Tonton.

"Hindi ko alam, gulong gulo na ako." Umiiyak ko pa ring sabi.

"Tangina te yung buhay mo tuloy parang nasa libro, grabeng mga ganap." Lumapit sakin si MC at yumakap.

"Kung ano mang desisyon mo, susuportahan namin." Sabi ni Orli at yumakap na rin.

Hindi na rin ako nagtagal sa pag iyak sakanila at umakyat na ako ng kwarto ko para mag impake. Baka kasi mag tanong bigla si Ion kung bakit wala akong na impake eh ang tagal ko na masyado dito.

to: Ion
Pauwi na ako babe.

~

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now