6 | celebration

552 21 1
                                    

Vice pov.

Halos mangatog ako dito sa tabi ni Ion habang kinakausap niya ang mga boss.

Grabe, paano niyang kinakaya na kumalma?

Kuyakoy ng malala ang mga tuhod ko at di ko yun mapigilan kapag kinakabahan.

Nagulat nalang ako ng hinawakan ni Ion ang tuhod ko.

"Calm down, Vice." Sabi nito at binitawan rin ako agad.

Sa hindi ko malamang dahilan ay kumalma ang buong kaibuturan ng kaluluwa ko. Ngayon ko lang narinig ang malalim niyang boses.

Nawala yung boses ipis, ang soothing ng boses niya. Nakakataas balahibo na ewan.

What the fuck, ano tong naiisip ko.

~

"Congrats Mr. Perez! Our company is looking forward to our joint project."

Nakipag kamay siya sa lahat.

Lumabas na ang lahat at kami nalang ang nandito sa conference room.

"Congrats!" Masaya kong sabi ay napayakap sakanya.

Nang ma realize kong nakayakap ako sakanya ay kumalas agad ako, "Ay sorry, nadala lang."

"Thank you." Ngiti niyang sabi sakin.

Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganon. Parang sobrang sincere at genuine. Nawawala ang mata niya kapag ganito ang ngiti niya.

So..sobrang g-gwapo...

Sabay kaming lumabas ng conference room.

"Saan ang punta natin, Sir?" Tanong ko sakanya.

"Yayain natin ang team 1 at 2, ituloy ang naudlot na  samgyup." Ngiting ngiti niyang sabi.

Napangiti rin ako sa excitement.

~
Pagkatapon namin mag dinner sa samgyupmasarap ay lumipat kami ng bar, sa the palace.

"To Sir Ion and Perez Corp!" Sigaw ni Wilbert at nag cheers ang lahat.

"Congrats sir!" Sigaw ng lahat.

Table namin ang pinaka maingay.

Ang saya ng first day ko.

Thank you Lord.

Napatingin ako sakanya at nakatingin rin siya sakin.

Nginitian ko siya.

I mouthed thank you.

He just smiled.

Magkalayo kami ng upuan. Nasa magkabilang dulo kami ng couch.

Di ko namalayang alas dose na pala at kanina pa ako tinatawagan ng mga bakla.

"Excuse me guys. Sagutin ko lang to." At tinuro ko pa ang cellphone ko.

"Boyfriend mo? Pinapauwi ka na agad? Nubayan!" Reklamo ni Anne.

"Hahahaha! Babalik rin ako, sagutin ko lang." Sabi ko sakanila at lumabas na.

phone call convo
lassy = L
vice = V

V: hello?

L: ano na teh, san ka na?

V: nasa the palace ako, wag niyo na ako antayin, may susi naman ako

L: anak ng! wala pang sahod walwal agad?

V: gago! nagkayayaan lang dahil may celebration

L: ay ganern? Sige meme, ingat! Labyu!

V: labyu! oo mag iingat ako

At binaba ko na rin ang tawag.

Nagulat ako dahil nasa likod ko na pala si Ion.

"Sir?" Tawag ko sakanya.

"Asa labas na tayo ng trabaho, call me Ion." Sagot niya.

"May tama ka na siguro no?" Natawa ako dahil ang pungay ng mga mata niya.

"Boyfriend mo?" Biglang tanong niya.

"Huh? Chismoso!" Sabi ko sakanya at linapitan siya.

Inangkla ko ang kamay ko sakanya at hinila siya pabalik sa loob.

"Teka teka, baka mag selos boyfriend mo." Sabi niya at huminto sa paglalakad.

"Hindi ko boyfriend yon." Sagot ko at hinila na siya ulit pabalik.

Pagpasok namin ay pinagtinginan nila agad kami ni Ion.

"Huy ante! Pinangas mo agad si Sir ah!" Asar sakin ni Kim.

"Huy hindi! Jusko, mataas standard ko no!" Sabi ko at binitawan na si Ion.

Bumalik ako sa upuan ko kanina pero nagulat ako ng sumunod sakin si Ion at umupo rin don sa tabi ko.

"Yieeee!"

Inaasar na kami nila ngayon.

May mga tama na talaga sila.

"Huy baka magalit yan si Sir." Sabi ko at pinatigil sila sa kakahiyaw.

"Ano ka ba Vice. Let them ship us. Aarte ka pa ba sa gwapong katulad ko?" Tanong niya sakin at linapit pa ang mukha niya.

Namula naman ako ng malala sa ginawa niya kaya tinakpan ko ang mukha ko gamit ang buhok ko.

"Ay nag blush!" Pang aasar pa ni Sir Jhong.

"Huy Sir! Di ah." Tanggi ko.

"Anak ng, wag kayo mag Sir samin ni Ion kapag nasa labas na tayo ng trabaho. Sa labas ng building ay tropa tropa tayo." Sabi ni Sir este Jhong kaya nag cheers kaming lahat ulit.

"Alam mo ba nung una kitang nakita naagaw mo agad atensyon ko." Bulong sakin ni Ion.

"Pinagsasabi mo?" Sagot ko sakanya.

"Ang ganda ganda mo, kaso lang talakera ka." Sabi niya at natawa pa.

Anong trip neto? Di ko alam kung anong trip niya pero sasakyan ko nalang.

"Sabi ko rin naman sayo diba, kung maganda lang ugali mo ay pasok ka sa standard ko." Sabi ko sakanya at kumindat pa.

"Lakas ng loob ah, parang kanina lang kuyakoy ka dahil sa kaba." Pang aasar sakin ni Ion.

"Eh paano naman kasi, nakakatakot ang boses nila." Sagot ko at natawa siya.

"Hahawakan ko lagi tuhod mo kapag kinakabahan ka." Sabi niya at humawak ulit don.

Walang pagpipigil akong ginawa sa paghawak niya sakin dahil gusto ko rin.

Kanina ay nasa tuhod niya lang ang kamay ko pero palalim ng palalim napupunta na sa hita.

Halos magwala ang buong sistema ko sa ginagawa niya.

Tangina ng lalaking to. Pag eto talaga..hay!

Ang gaan nilang lahat kausap.

Nauna nang umuwi ang mga seniors. Sabay na rin kaming umuwi ni Ion pero siya naman ay pinag drive ni Jhong at ako naman pinag drive ni Ryan.

Naging ka close ko na rin kasi yung bata, para siyang kapatid kong maliit hahaha! Napaka kulit.

~

Alas siyete na ng magising ako.

"Putangina male-late na ako!" Sigaw ko at dali daling naligo at nag ayos.

"Ayan inom pa!" Talak sakin ni Lassy.

"Che!" Sabi ko at lumabas na agad ng bahay.

Nagulat ako dahil may pamilyar na sasakyan ang nasa harap ng bahay namin ngayon.

Agad namang binaba ng driver ang salamin ng kotse niya, tama nga ako, siya nga.

"Bakit ka nandito?" Kunot noong tanong ko.

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now