33 | Singapore

731 23 1
                                    

Vice pov.

Nagising akong may naka yakap sakin. Paglingon ko kay Ion ay naalala ko agad ang ginawa namin kagabi.

Pagtapos naming mag away, gumawa ng kung ano at maligo dumeretso na kami sa pag tulog dahil 10 am ang flight niya.

"Ion, gising na." Marahan ko siyang yinugyog.

Dumilat naman ang mata niya agad. Tumingin agad to sakin at ngumisi.

Anong nakakatawa?!

Yumakap siya ng mahigpit at sinuksok ang mukha niya sa leeg ko ko.

"Wag na tayo ulit mag aaway ng walang dahilan, please. Hindi ko kaya." Mas binaon niya pa ang mukha niya sa leeg ko.

"Alam mo ba nung sinigawan mo ko dun ako na aroused?" Natawa kami parehas.

"Ay, mag away pala tayo, mag away tayo parati, sisigawan kita araw araw." Biro niya. Pinalo ko naman siya ng mahina sa balikat.

"Tsk! Puro ka kalokohan." Bulong ko.

"Parang ayaw ko nalang umalis, dito nalang tayo sa kama forever."

"Hindi pwede, tumayo ka na para makaligo ka na at anong oras na oh."

Sumunod naman ito agad sakin. Tumayo siya sa gilid ng kama at nag inat inat. Tambad na tambad naman ang pandesal niya sakin.

Tangina talaga ng lalaking to, binabaliw ako.

"Baka matunaw na ako niyan, Ms Vice." Biro niya at tumawa pa talaga. Inirapan ko lang siya.

~

Sabay kaming naligo pero wala ng jugjugan na nangyare, masakit pa nga ang balakang ko eh. Pero may halikan syempre, ako pa ba? Ehe!

"Wag na wag kang mang bababae dun ha! Walang sabi sabi iiwan talaga kita agad. Mag reresign ako di na kita lalapitan kahit kailan." Mahaba kong litanya.

"Yes, boss!" Pang gagaya niya sa parati kong sinasabi.

Nandito ulit kami sa La Creperie para mag breakfast, hinihintay namin ang parents niya. Nakwento sakin ni Ion na medyo ayos na sila. Buti naman kung ganon, diba?

"Anak, Vice!" Rinig kong tawag samin ni tita.

"Good morning po, ma'am, sir." Pormal kong bati at bumeso sakanila.

Yumakap rin sila kay Ion. Magkatabi kami ni Ion ngayon kaya nakaupo naman sila sa harap namin.

"Oh my, Vicey anak, your neck." Tinuro pa ni tita ang leeg ko.

Shet, yung mga marka! Inayos ko agad ang buhok ko para matakpan ang mga yun. Liningon ko naman si Ion na ngumingisi.

"Oh geez, matanda na nga talaga ang anak ko." Baling ni tita kay Ion.

"Nako, are we expecting a baby na ba?" Biro pero parang seryosong sabi ni tito.

"Hahahaha! Malabo pa po sa ngayon sir." Pag sakay ko sa biro niya.

Tumawa naman si Ion at tita.

"Hmm. Mabuti, kasal muna bago bata. Also, please call me tito, you're part of the family now, anyways." Ngiti niyang sabi sakin.

"Noted, tito." Sagot ko.

Kumain lang kami ng mabilis at hinatid na namin si Ion sa airport.

"Mauna na kami sa kotse." Nag pupunas ng luha na sabi ni tita.

Ako nalang ang pinahatid nila kapag boarding na si Ion. Naiiyak kasi parehas si tita at tito. Hehehe, girlfriend duties tuloy.

Sinandal naman ni Ion ang mukha niya sa leeg ko. Naramdaman ko nalang na hinahalik halikan niya ako.

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now