3 | unofficial first day

734 17 0
                                    

Vice pov.

Alas tres na ng makauwi ako sa bahay para kunin ang iilang gamit ko para sa bagong trabaho.

"Meme!" Masayang salubong sakin ni Lassy.

"Ang aga mo naman ngayon teh." Sabi sakin ni Mc.

"Nakakuha na ako ng trabaho." Masaya kong anunsyo sakanila.

"May trabaho na ang Meme!" Sigaw ni Lassy kaya naman bumaba ang mga bakla at pinagbubugbog ako.

a/n: kemeng bugbog lang ha, alam niyo yung pag nag cecelebrate sila, ganong bugbugan haha, watch niyo vlog ng mga beks

"Anong trabaho meme?" Tanong ni Tetay.

"Nakuha agad akong secretary ng isa sa pinaka malaking building dito sa qc!"

At binugbog nanaman ako ng mga bakla.

"40 kwit ang starting money!"

Bugbugan ang ganap namin ngayon habang nagsisigawan ang mga beks.

Nakatira kaming magkakasama sila Lassy, Mc, Tetay, Tonton, Orli at Kitty. Bahay to ng kaibigan naming si Chad pero sa condo kasi siya umuuwi kaya naman rinentahan namin ito.

Mga vlogger ang trabaho ng mga baklang to, tapos si Orili at Kitty naman ay nagtatrabaho sa office ng isang cosmetic line. Habang si Tonton at Tetay naman ay nag sstand up comedian sa mga sing along bar. Si Chad, Mc at Lassy ay nakatutok sa vlogging dahil malaki ang kita niya dun.

Nagpadeliver lang ng pizza ang mga bakla, celebrate daw sa pang anim kong trabaho.

Kwinento ko sakanila ang nangyare sa araw ko at puro pang aasar naman sila, kesyo sinadya ko daw na matapunan ng buko para bumawi kay Ion at mapansin ako nito.

"Gago! Pangit ang ugali ng lalaking yon, sa ganda kong to, di ako papatol dun no!" Pagsusungit ko pa.

"Siguro kaya di ako pinaparanas ng mala wattpad na eksana na ganyan dahil alam ni Lord na papangasin ko agad yung lalaki kapag ganyan ang ganap namin." Pagbibiro ki Mc na kinatawa ng lahat.

"Huy gago, kailangan ko na talaga bumalik don para i-ayos ang gamit ko." Sabi ko sakanila.

"Sige teh, alis na, at baka maligwak ka agad diyan pag tatamad tamad ka!" Sabi ni Tonton at kunwari pang tinulak tulak ako.

Masayang masaya akong bumalik sa Perez Company dahil sa mga beks, di ko talaga kakayanin ng wala sila.

Matagal na nila akong laging sagot, minsan pa ngang pina quit ako sa trabaho ko dahil kaya naman daw nila akong buhayin, magsilbi nalang daw ako na sugar baby nila.

Malaki ang kinikita ng mga bakla sa kanikanilang trabaho kaya nakakahiya kung hihilata lang ako at di mag aambag.

May trabaho naman talaga ako parati pero pang dalawang buwan na kasi ngayon na wala akong trabaho.

Parati kasi akong umaalis dahil sa diskriminasyong natatanggap ko.

To naman kasi si Lord, gagawa gawa ng bakla tapos bawal pala, hays!

Charot!

~

20 minutes lang ang layo ng tinutuluyan ko sa company kaya mabilis akong nakarating.

Binalita ko kay kuya Atienza na natanggap ako agad at cinongrats niya ako.

"Vice! Congrats ha, di ko talaga akalain na matatanggap ka agad." Ngiting salubong sakin ni Eruption.

"Hahaha! Ako rin eh." Sabi ko dito.

Pumunta muna ako sa office nila dito sa baba para magpa picture. Para sa id nga, para makuha ko agad mamaya.

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now