12 | fast forward

542 16 8
                                    

a/n: as much as ayaw ko kay adobo boy, wala akong choice dahil siya na ang nalagay kong character huhu, very tamad ako para baguhin. hindi rin kasi malinaw tong plot na to sakin, basta sinulat ko nalang kasi wala lang, na bored lang hehehe!

~

Vice pov.

August.

Isang linggo na akong liniligawan ni Calvin at isang linggo na rin akong kinukulit ng mga kaibigan ko sa trabaho kung anong meron kami.

"Wala nga sabi eh." Inis kong sagot sakanila.

Nasa tipsy pig kami ngayon. Naisipan nilang deserve daw naming kumain ng masarap dahil kakatapos lang ng madugong trabaho.

"Sus! Hinahatid sundo ka tapos wala lang? Ano siya, grab driver?" Pang aasar sakin ni Karryle.

"Ihhhh." Pag iinarte ko. "Isang linggo na niya akong liniligawan." Pag amin ko at naghiyawan naman sila.

"Iba talaga yung ganda mo, Meme!" Sigaw ni Kim.

"Ehe! Enebe keye eke leng to oh!" Sabi ko at linaro pa ang buhok ko.

"Kelan mo sasagutin, mommy?" Tanong ni Ryan.

"Sagot agad?! Grabe, di porket wala akong keps eh pamigay ako. Hindi no! Mga anim na buwan." Sabi ko at nagtawanan naman sila.

"Gusto mo na ba, Ma?" Tanong ni Kim.

"Na-po-pogian lang ako sakanya pero hindi no. Ang babaw ko naman kung inlove ako agad." Sabi ko at uminom ng beer na kanina pa naghihintay na tunggain ko.

"Mauna na ako. I'll see you all tomorrow." Malamig na paalam ni Ion.

Anyare dun?

Nag goodbye naman kaming lahat dahil wala naman kaming magagawa para mag stay siya.

"Ay grabe, nagselos ata si Sir, Vice!" Pang aasar ni Wilbert.

''Nako, lagot ka Meme! Babawas daw yan sa sahod mo." Biro ni tyang Amy at nagtawanan naman kami.

"Grabe ang issue niyo no? Mga pakielamera ng love life ko, hayst!" Maarteng sabi ko at tumawa.

"Sir Jhong, ano, selos ba si sir Ion kay Sir Abueva?" Pang aasar ulit ni Wilbert.

"Ewan ko dun sa lalaking yon. Pero totoo to, unang kita ko talaga kay Vice may crush ako agad sakanya. Tas nung sinabi ko kay Ion na type ko si Vice. Nagalit bigla!" At tumawa si Jhong ng malakas.

Tumawa rin silang lahat.

Ampota, nagugulo utak ko sa ganyan. Tigilan niyo ko, please! Masaya na ang buhay ko, charot!

Tinignan ko lang sila ng masama.

Nagpatuloy ang inuman pero 11 pm palang ay uwian na.

Maaga ang pasok bukas at walang gustong ma late.

Ni shoulder naman ni Jhong ang bill dahil ang galing daw ng team 1 at 2.

Charot charot!

~
fast forward ng 1 month

September.

Good morning!

Monday.

Ang sarap ng gising ko ngayon. Dama ko ang freshness.

"Nako ewan ko ba diyan kay Vice. Pumayag pa siyang ligawan siya. Eh pamilyadong tao yun! Jusko gusto talaga ng sakit." Rinig kong sabi ni MC.

"Hoy! Ang aga aga ako pinag chichismisan niyo." Nakangiti kong sabi at nag timpla ng kape.

"Hoy, bading! Ano jojowain mo talaga yung lalaking yon?" Tanong sakin ni Kitty.

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now