27 | problems

572 21 4
                                    

Vice pov.

Saktong 7:40 am ako nakarating sa workstation ko.

"Maaga ngayon si Sir ah." Bulong ko at sinilip si Ion na seryosong seryoso sa tina type niya.

Gigil yarn?

Nakita kong walang kape sa table niya kaya bumaba ako ng pantry para gawan siya. Agad ko itong dinala sakanya.

"Good morning, sir." Bati ko at linapag ang kape sa table niya.

Lumiwanag ng mukha niya nung nakita niya ako.

"Mas maganda ka pa sa umaga." Biro niya at ininom yung kape. Nginitian ko lang siya.

"You have 3 meetings today, Sir. 10 am, 12 pm, 3pm. And the scheduled dinner your mother appointed 2 days ago.

"Send me the copy of my schedule." Tumayo siya at hinubad ang coat niya, sinabit niya ito at lumapit sakin.

"Na sent ko na before ako pumasok dito." Sabi ko at tinitnan ang kamay niyang hawak ang kamay ko.

"Dun tayo sa couch, cuddle muna for 10 minutes, please, stressed na ako." Pag iinarte niya.

"Di pwede, sir. Madami ka pang gagawin. Kiss nalang." Sabi ko at kumindat pa.

"Ayan ang gusto ko." Yumakap siya sakin ng mahigpit.

"Wala pa sa kalahati ang araw mo, pwedeng mapagod bawal sumuko." Bulong ko sakanya.

"Mmm. I know. It's just, sobrang nakakapagod ngayon, di pa kita nakasabay sa breakfast." Malungkot niyang sabi.

"Landi! Mamayang lunch, sabay tayo." Sabi ko at kinagat ang ibabang labi ko para mapigilan ang ngiti ko.

"I missed you." Bulong niya at mas humigpit ng yakap.

"Malulukot suot ko, Sir." Suway ko sakanya at mas diniinan pa ang pagkagat labi ko.

"Asan na yung kiss ko?" Tanong niya pagtapos humiwalay sa yakap ko.

"Mamaya, kapag very good ka today, may prize ka." Pilya kong sabi at kinurot pa ang ilong niya.

"Sabi mo yan ah? Sige na, mag tatrabaho na ako ulit para sa future natin." Biro niya bago bumalik sa upuan niya para ipag patuloy ang pag trabaho.

Lumabas na ako ng office niya.

Naramdaman ko naman pantog ko kaya agad akong pumunta ng banyo.

"Ang chismis pa eh nagkabalikan na daw si Ma'am Maricel at asawa niya." Rinig kong bulong ng kung sino man ang nasa labas ng banyo.

"Oh my god nakita ko rin yun, grabe kawawa naman si Maam babalikan niya pa yun, diba babaero daw yun?" Sagot pa ng isa.

"Oo nga eh, jusko, kawawang Ma'am Maricel."

Lumabas ako ng cubicle pero di ko na sila naabutan.

Yun siguro ang dahilan kung bakit nag appoint pa talaga ng dinner si tita Maricel. For sure walang idea si Ion sa nangyayari dahil busy siya ngayon.

Nagka problema kasi ang isang site na tinatayo sa Singapore.

Hay, kiss ko talaga yun mamaya. Super deserve ng madaming kiss. Bulong ko sa sarili ko.

~

Kakatapos lang ng meeting niya ng 10 am, buti nalang ay inabot lang yun ng isang oras. Lunch na pero sa pantry nalang kami kumain.

Syempre sabay nanaman kami. Sinigang na hipon ulit ang ulam. Walang kamatayang hipon, ito rin kasi yung pagkain nung nasa boracay kami.

"Sarap!" Sabi ko nung mahigop ko ang sabay.

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now