49 | 10 days

409 21 6
                                    

Vice pov.

Nandito kami ngayon ni Ion sa La Union dahil dito kami mag ce-celebrate ng pasko at bagong taon. Hindi nga sana papayaga ang nanay niya pero kinausap ko si tita.

Flashback

"I know that you love my son, Vice." Sabi ni tita.

Nandito kami sa isang maliit na cafe malapit sa perez corp. Nagpaalam kasi si Ion sakanila na kasama niya akong mag ce-celebrate ng pasko at bagong taon.

"I really love him, tita, ngayon lang ako nag mahal ng ganito." Pag amin ko.

"He loves you Vice. He loves you so much, and Im scared that he loves you more than us." Hinawakan ni tita ang kamay ko.

"Let's have dinner with your tito Joey pagbalik niyo." Dagdag pa ni tita.

"Make him happy, anak, merry christmas and happy new year, Vicey." Sabi ni tita bago umalis.

End of flashback

"Babe! Tignan mo to, ako naghiwa ng pang dinakdakan ni nanay." Tawag sakin ni Ion mula sa kusina.

Pagdating kong kusina ay nakita ko si Nanay, Ion, Mas at ate Tina na nag hahanda para sa Noche Buena.

"Naghiwa ka lang mayabang ka na." Biro ko at tinignan ang mga hinahain nila.

Wala akong alam sa pagluluto at all kaya hindi ako sa kusina. Sa decoration ako na assign.

"Diva, paki halo nga to." Utos sakin ni ate.

Di ko alam kung ano to at bakit kailangan haluin nang haluin baka daw kasi masunog.

"Tito, pink ba or red?" Tanong sakin ni Camille.

"Both nalang! Para mas madaming color." Sagot ko.

"Ayusin niyo na maganda talaga yang decoration ah? Nako sisipitin ko talaga kayo." Paalala ni nanay.

"Oo nay, jusko sa arte ni ate Emma, syempre bongga to nay." Biro ko.

"Babe, tikman mo." Pinahigop sakin ni Ion ang sabaw ng tinola na linuluto niya rin.

Pang tanghalian kasi namin.

"Sarap!" Sigaw ko.

Kasi masarap talaga, huhu ang perfect ng boyfriend ko.

~

Bumalik ako sa pag decorate dahil nakakagulo lang daw ako sa kusina. Natunaw kasi yung plastic na pang halo at natapat ko sa apoy.

Malay ko ba na matutunaw talaga yun, chineck ko lang eh!

"Wala na yung ring mo?" Tanong ninate Emma.

"Ah, binalik ko eh." Tipid kong sagot.

"Hahahaha! Grabe ka talaga. Anyways, how's your modelling gigs?" Tanong nito.

Daldal ng kapatid ko!

"Ayos na ayos ate, I'm very happy at ang daming kumukuha sakin."

"I'm proud of you, congrats, ha!"

"Well, ako na to oh? Ay! Ikaw, kelan balik ng New York?"

"Sa June na, sama ka?"

Humaba pa ang chikahan namin ni Ate. Sa sobrang haba eh di na namin namalayan na kakain na pala.

~

Pagtapos naming kumain ay nag exchange gifts kami. Basong may naka sulat na I ❤️ Me ang natanggap ko, nakakairita pa nga nung una dahil dior bag ang regalo ko tapos baso ang sakin? HUHU

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now