37.5

468 22 6
                                    

Vice pov.

Sobrang saya ng naging stay namin sa Palawan. Hindi ko na nga gustong umuwi eh.

"So, official na kayo?" Ngiting tanong sakin ni Anne.

"Oo." Kilig kong sagot.

"Hahahaha! Yieeeee! Sabi na nga ba eh, bagay kayo ni Sir."

"Huy, shhh! Baka marinig ng ibang empleyado." Suway ko sakanya.

"Hay! Bakit ba kasi bumalik pa yang homokojic na tatay ni Sir. Kainis!"

"Bahala na, basta ang mahalaga masaya ako at si Ion ngayon."

"Shet, Ion nalang, dati boss at sir pa yan ah." Asar nito sakin.

"Ihhh!" Pag iinarte ko.

~

Kailangan kong i akyat kay Ion ang schedule niya ngayong araw kaya agad rin akong bumalik sa taas.

"Good morning, Sir. You have 3 meetings today." Ngiting sabi ko at inabot sakanya ang tablet para ma approve niya.

"Okay na yan. Thanks, Ms Sextary." Pinalo niya ang pwet ko at kumindat pa.

"Huy, Sir! Magagalit ang boyfriend kong seloso." Biro ko bago tuluyang lumabas sa office niya.

Mabuti at wala si tita at tito ngayon, makakahinga ako ng maluwag palayo sa pagiging homophobic ni tito.

"Hi, Vice!" Bati sakin ni Jhong.

"Uy, morning." Sagot ko.

Ang saya ng buhay lately, may perfect akong boyfriend at matinong trabaho. Yung sa family nalang...

Napabalikwas ako ng makita ko ang message ng kuya.

from: Kuya
Bunso, kelan ba ang uwi mo?

Hindi ko alam ang isasagot ko.

Pucha naman talaga!

"Ayos ka lang?" Napabalikwas ako ng marinig ko si Ion.

"Nakakagulat ka naman!" Hawak ko sa dibdib ko.

"Sorry." Naka pout nitong sagot.

"Si kuya, nag tatanong kung kailan daw ang uwi ko." Pag open up ko sakanya.

"Gusto mo bang umuwi?"

"Oo pero natatakot ako eh."

"Sasamahan kita." Sabi niya at hinawakan ang mukha ko.

Ngumiti ako ng malaki.

"I love you, thank you." Ngiti kong sabi.

Sumilay agad ang ngiti niya. Ang sarap tignan.

"So, kelan tayo pupunta?"

"Sa birthday ko nalang siguro."

"Apat na buwan na tayo nun." Kinikilig niyang sabi.

Natawa nalang ako.

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now