24 | boracay (5)

609 20 1
                                    

a/n: ang lakas niyo talaga sakin, sige na nga update na agad, enjoy!

~

Vice pov.

Nagising akong katabi si Ion. Tangina ang sarap gumising kung ganito ka gwapo ang makikita sa umaga.

Ang lamig! Kaya inangat ko ang kumot pero pag tingin ko sa ilalim ay tumambad sakin ang hubad na katawan ko.

"Shit." Mahina kong bulong.

Biglang bumalik sakin lahat ng kagagahan ko kagabi at mga kalandiang pinagsasabi ko.

Anong ginawa mo, Vice?! Gusto kong tuktukan ang sarili ko.

Dahan dahan akong umupo para di magising si Ion. Buti nalang ay may roba sa gilid ko. Sinuot ko agad ito.

Hindi na ako nagdalawang isip na lumabas ng room niya. Gulo gulo pa ang make up at buhok ko pero, kiber! Bahala na si Batman. Basta makalabas ako dito ng di nagigising si Ion.

Bago pa man maka abot sa pinto ay biglang...

"Vice." Tawag sakin ni Ion.

"Anak ng kagang!" Sigaw ko sa gulat.

"Sabay tayo mag breakfast." Tipid niyang sabi at kinusot kusot pa ang mata. Naka boxers lang siya ngayon.

At tambad na tambad ang galit na galit niyang ari!

Itong lalaking to, di man lang mag takip eh, huhu, agang kasalanan nito!

"Ah?? Sige, sige. Kita nalang tayo sa baba." Sabi ko at nag madaling lumabas.

Di ko kaya ang view, baka matuluyan kapag nag stay ako dun.

Buti nalang ay nasa bulsa ng robe ang key card ko sa suite namin. Di ko maalala na linagay ko yun dun pero bahala na.

"Oh my god, let's all welcome, ang nag wagi, Vice Ganda!" Hiyaw ni Anne at nagpalakpakan sila.

Tangina! Walk of shame.

"Nakakagulat naman kayo!'' Irita ko kunwaring sabi at kumuha ng tubig dahil natuyo ang lalamunan ko sa view na nakita  ko kanina.

"Talagang pumuntos ka ante, ha?" Biro ni Kim sakin.

"Ha? Hi-hindi ah. Ano lang nag ano lang sa ano.." nawalan ako ng palusot kaya utal utal ako.

"Oh, sir! Good morning." Bati ni Kim sa likod ko.

Shit!

Liningon ko at si Ion nga, naka roba rin.

"Oh, Vice you forgot your..." hindi na niya matuloy ang sasabihin niya dahil huli kami sa akto.

Naka roba lang kami parehas at gulo gulo ang itsura.

"Nako, don't tell me kayo ang mag kasama kagabi?!" Gulat na tanong ni Jhong.

"Ha, hindi ah!" Pag tanggi ko.

"Shet, mama! Parehas kayong may chikinini sa leeg." Turo pa ni Ross sa leeg ko at leeg ni Ion.

Pulang pula si Ion ngayon!

"Tapos...yung lipstick mo, mami, kasing shade sa kiss mark ni Sir sa..leeg." mariin akong pumikit nung mapansin pa yun ni Ryan.

"Uhhm, well, uhh.." walang masabi si Ion.

"Hindi kami magkasama okay? Coincidence lang lahat!" Palusot ko.

Tumango tango lang sila na nang aasar.

"Wokey sabi ni Kokey!" Pang aasar ni Jhong.

Tangina talaga!

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now