8 | dinner with the beks

482 18 1
                                    

Ion pov.

"Nakuuu! Buti at masarap ang putahe tonight!" Masayang sabi ng isa sa mga kaibigan ni Vice.

Kitty ata ang pangalan ng isang to.

"Ah, Sir ano pong gusto niyo?" Awkward na tanong sakin ni Tetay.

Oo, kilala ko siya, kasi nga nakikita ko siya sa vlogs ng Beks Battalion.

"Drop the Sir. You guys can call me Ion. Just Ion." Sabi ko at nginitian sila.

"Nako ang pogi ng boylet mo, Meme!" Sigaw ni Tonton.

Natawa naman ako.

Nakakahiya! Pero nakakakilig dahil boyfriend daw ako ni Vice, hehehe!

"Mahiya naman kayo sa bisita! Ingay niyo." Masungit na sabi sakanila ni Vice.

"Eh Ion, mey geste ke pe be?" Malandi kunwaring usal sakin ni Vice.

Natawa kaming lahat, pwede rin palang comedian tong si Vice eh!

"Hoy ate, pero real? Kayo ba? Lakas mo ah! Second day nauwi mo agad ang ceo, baka pag isang linggo na pati kumpanya maiuwi mo na rin." Biro sakanya ni Chad.

"Che! Hinatid lang ako ni Ion. Napaka ma issue niyo." Sabi ni Vice sakanila.

Napangiti lang ako.

"Nako, Ion! Kung alam mo lang gano siya kinabahan nung muntik na siyang ma late." Pang aasar ni Mc.

"Nako, oo! Jusko si Bakla di na kumain. Nagpa ganda pero di na kumain, kire rin eh." Dagdag ni Orli.

"Buti nalang sinundo siya nung lalaki." Sabi ni Kitty.

Huh? Sinong lalaki?

Napalingon naman ako sakanya.

Sakit ah, may boyfriend nga to.

"Si Ryan, sinundo ako kanina. Cute ng batang yun, parang anak ko na." Sabi niya sakin at ngumiti.

Hay! Buti nalang parang anak.

Pero bakit ako magseselos?

Ah basta, basta magseselos ako kapag may boyfriend na siya.

~

Nagtuloy kami sa pagkain, ang saya dahil madaldal silang lahat. Parating si Vice ang inaasar nila.

Akala daw talaga nila eh masungit at masama akong tao dahil base sa pag kwento ni Vice sakanila ng uanang tagpo namin ay nag away kami agad.

"Eh sinabi mo bang binuhusan mo rin ako ng buko? At talagang sa damit ko pa." Tanong ko dito.

"Ay shet!"

"Nako, sinungaling ka talaga Meme!"

"Grabe na talaga yan."

Pangangantyaw sakanya ng mga kaibigan niya.

"Alam mo Ion binuhusan ka niyan siguro kasi para hubarin mo yung polo mo tas makita niya abs mo!" Pang aasar ni Orli.

"Hoy! Ang kapal niyo, pinagtutulungan niyo pa talaga ako." Inisi kunwaring sabi niya.

~

Nagpalipas ako ng ilang oras pa sa bahay niya.

Yinayaya pa nga nila ako na mag stay daw dito at matulog nalang sa kwarto ni Vice.

Pero syempre di ako pumayag.

Alam ko namang ayaw ni Vice.

At may pasok bukas.

"Una na ako, salamat sa inyo." Sabi ko at nginitian sila.

"Nako, balik ka dito ha! Kahit wag na si Vice. Basta balik ka dito." Sabi ni Lassy at tumawa nanaman kami.

"Hatid ko na siya sa gate." Paalam ni Vice at hinatid nga ako sa gate.

"Thank you sa dinner. Sobrang nag enjoy ako." Sabi ko dito.

"Wala yun." Sabi niya.

"Ang bait bait mo talaga pag ako lang, iisipin ko na na crush mo ako." Sabi niya pagka sakay ko sa kotse ko.

"Sige, isipin mo na na crush kita." Sabi ko at kinindatan pa siya.

"Landi mo boss!" Sabi niya at tumawa.

"Sayo lang." Sabi ko at binelatan siya.

Pinaandar ko na ang kotse ko paalis. Baka kasi kung ano pa masabi ko sakanya.

Chineck ko naman siya sa side mirror. Parang batang kumakaway kaway.

Ano ba tong ginagawa mo sakin, Viceral.

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now