18 | charity ball (part 2)

530 20 0
                                    

a/n: no edit edit muna, sorry for wrong grammar and typos. edit ko lahat ng to pag natapos ko na buong libro na to. enjoy!

Vice pov.

May kung anong kilig akong naramdaman nung makita kong papalapit sakin si Ion.

"Ayan na pala ang prince charming mo." Bulong sakin ni Zeus.

Tumawa lang ako.

Parang nag slowmo ang lahat.

Naghihiyawan rin ang mga kaibigan ko ngayon.

Nakita ko rin ang ngiti ni tita Maricel.

Binalik ko ang tingin ko sakanya.

At nakita ko siya.

Nakita ko siyang di na nakatingin sakin.

Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon niya. Tila ba naka kita ng multo.

"Cat.." mahinang sambit niya.

Nag iba ang direksyon ng mga paa niya.

Dumiretso siya dun sa babaeng nasa likuran ko.

"Olats nanaman, mama." Napangiwi kong sabi kay bomba.

Isasayaw pa sana ako ni Zeus pero may kung anong napagod sakin.

Hinatid niya nalang ako sa table namin.

"I didn't know that she's back already." Sabi ni tita Maricel.

"Siya na ba yun, tita?" Tanong ni Jhong sakanya.

"Yep. The first girl that broke my son's heart." Naka ngiting sabi ni tita.

Ahhh.

Yun pala yung matalik na kaibigan ni Ion. Yung nakasama niya bago umuwi ng pinas 5 years ago.

I see.

"Are you okay, nak?" Baling sakin ni tita.

"Oo naman po." Naka ngiti kong sagot.

Wala akong ibang naramdaman kundi pagtataka.

Na may kirot.

Di ko rin alam bakit.

Nakatingin ako ngayon sa dalawa na naglalakad palabas ng venue.

Mukhang may kailangan nga silang pag usapan.

Lumipat ako ng table papunta kila Anne.

Nababagot kasi ako dun sa table namin at busy parehas si tita at jhong makipag usap sa iba.

"Ganda mo meme!'' Bati nila sakin.

Bumeso naman ako sakanilang lahat.

"Congrats, you're the reason kung bakit successful tong event na to." Sabi sakin ni sir Ogie.

"Salamat sainyo, kung di niyo kinaya ang kaartehan ko sa mga bagay bagay di ko rin ma pupush to. To everyone!" Pag raise ko pa ng wine glass at nag cheers kaming lahat.

"Where's sir Ion?" Tanong ni Karryle.

"Lumabas." Tipid kong sagot.

~

Natapos ang event ng matiwasay at masaya.

Successful event, yes!

Nasa parking na ako dahil sinabi kasi ni Ion na ihahatid niya ako, pero alam ko naman na di niya ako maihahatid dahil mukhang busy siya.

Kay bomba nalang ako sasabay.

"Bongga mo na zeus ah, may pa tsikot ka na." Asar ko dito.

"Ano ba ganda, wala yan! Huy!" Sagot nito at nag tawanan kami.

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now