36 | officially yours

526 20 6
                                    

trigger warning: homophobic statement/s ahead (does not reflect on author's values)

~

Vice pov.

Syempre magkasama kami ni Ion sa iisang kwarto. Pagkadating ay agad naming inayos ang mga damit, sakto dahil matagal pa bago mag lunch.

"Okay ka lang?" Pang sampung beses na ata niyang  tinanong sakin yan.

"Juliet juliet, Ion? Ayos nga lang ako!"

"Eh baka kasi di ka comfortable eh, umuwi nalang tayo o mag solo." Lumapit siya sakin at yumakap.

"Ion...ayos nga lang ako. Hayaan mo na yung kanina."

Hindi yun ayos pero ayokong sirain yung araw na to.

"Promise, babe?" Pangungulit pa niya.

"Promise." Ngiting sagot ko.

Saglit pa kaming nag landian ni Ion sa kwarto bago lumabas para mag swimming. Naka tshirt at shorts lang ako dahil baka pag nag one piece ako dito eh ma pa pakshet silang lahat.

"Oh, nandito na pala ang birthday boy, kain na kayo dito, nak, Vice." Yaya samin ni tita Maricel.

Pinadeliver nalang pala nila ang lunch.

"Dito kayo." Bati samin ni Jhong at pinaupo kami sa tabi nila ni Maia.

"Naks naman, you're so sexy sa suot mo." Sabi ko kay Maia. Naka two piece kasi siya at pinatungan niya to ng parang fish net na dress.

"Thank you! Ikaw rin, wala ka pang linalabas, pero panalo ka na agad." Biro niya at parehas kaming natawa.

Nagsimula kaming kumain ni Ion. Kainis dahil lagi akong sinusubuan, baby niya daw ako.

Ehe!

Walang epal sa landian namin dahil yung magulang ni Cat at tatay ni Ion ay kinakausap yung may ari neto.

Inaasar naman nila kami pero kiber lang, nakaka kilig kaya kasi super support sila.

Hindi rin nag tagal ang pagsasaya dahil andiyan na ang si tito Joey at parents ni Cat.

"Mom, Dad! Dito kayo." Tinuro ni Cat ang mga upuan na bakante sa tabi niya.

"You should talk to the manager of this island, where have you been anyway? Hindi kita nakita mula pag land." Baling ni tito Joey kay Ion.

"Joey, nasa vacation ang anak mo." Suway sakanya ni tita.

"Hon, I know, I'm just asking and suggesting, para sa ikakabuti naman to ng anak natin."

Hindi na sumagot pa si Ion.

Naging tahimik na ang lunch namin.

"Later ha, we will salubong my Ion's birthday, aasahan ko na everyone will show up, for dinner we  can have dinner with our partners nalang muna." Sabi ni tita.

"Masosolo kita." Bulong sakin ni Ion.

Hinampas ko naman ang braso niya kasi hinihipan niya ang tenga ko, nakakakiliti eh.

"Mauna na kami." Paalam ni Ion sakanila. Yumuko nalang ako at ngumiti.

Hawak kamay kaming naglakad ni Ion papuntang kwarto namin.

Nang makarating ay nag stay kami dun sa sofa. Humiga siya dun.

"Lika dito baby." Tawag niya sakin at pinaupo sakanya.

"Gandang view naman." Sabi niya at umaktong pinipicture-an ako.

"Sarap pala umupo dito eh." Sabi ko bago kilitiin siya sa leeg.

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now