10 | happy bornday, vicey!

587 16 6
                                    

Vice pov.

Busy na busy ang araw ngayon sa office. Nalalapit na kasing ang release ng bagong products.

"Meeting adjourned." Malakas na sabi ni Sir Ion at tumayo na ang lahat.

"What's next?" Tanong nito sakin.

"3 pm meeting with Abueva, Sir. Then 6 pm dinner with your Ma'am Maricel." Sagot ko sakanya.

Di na siya kumibo at tumango nalang.

Nag paalam rin ako sakanya na mag la-lunch na ako. Sabi niya ay mauna na daw ako dahil busy pa siya.

Nubayan, birthday ko nga eh tapos di kami magkakasabay.

Eh sino ka ba teh? Jowa? Girlfriend?

Sumakay na ako ng elevator. Napagdesisyunan kong sa pantry nalang kumain mag isa. Wala lang para lang cinematic.

Keme lang! Pumunta muna akong team 2 para yayain sana sila kumain.

"HAPPY BIRTHDAY, VICE!" Sigaw nila.

Shet, may pa surprise.

"Happy birthday, Meme!"

"Happy birthday, Ganda!"

"Happy birthday ate."

Bati nila sakin.

Kumanta sila ng happy birthday syempre. Pagtapos eh nag wish naman ako.

Long life, happy life, peaceful life.

At blinow ko na ang candle.

"HAPPY BIRTHDAY SEXBOMB VICE!" Sigaw nila ulit at nag thank you ako.

Yinaya ko sila na sa pantry na kami kumain para mas maayos.

At ayun, syempre sumunod talaga sila.

"Ang sarap ng cake ha! Bongga niyo." Sabi ko sakanila at nag thank you ulit.

"Si Tyang Amy nag bake niyan!" Pag inform sakin ni Anne.

"Thank you Tyang!" Sabi ko at nag flying kiss pa.

Masayang masaya ako dahil sinurprise nila ako pero parang may kulang.

Linibot naman ng mata ko ang pantry.

Hindi ba siya kasama sa surprise?

"Wag na hanapin ang wala." Pang aasar sakin ni Karryle.

"Huh? Wala ah. Issue mo!" Sabi ko dito at tumawa.

"Hindi ka ba niya binati man lang? Lagi kayo mag kasama tas di niya alam na birthday mo?" Tanong sakin ni Sir Ogie.

"Busy na busy siya ngayon eh. Baka nakalimutan lang or baka di lang niya alam." Malungkot kong sagot.

"Oh sya, wag na malungkot at papasayahin ka nalang namin." Makabuluhang sabi ni Sir Ogie.

Anong meron?

"Mommy, may pa surprise rin sayo mga beks mamaya! Sa xylo daw mamaya. Kasama lahat kami." Dama ko ang excitement sa tono ni Ryan.

Ang exciting naman ng araw na to.

"Tanda mo na pala, ate Vice ano?" Sabi pa sakin ni Eruption.

"Hoy grabe kayo, 29 lang naman." Sagot ko sakanya.

Napuno ng tawanan ang lunch namin. Masayang masaya at sabi mas sasaya pa daw sa Xylo.

Saktong paupo na ako sa station ko nang lumabas si Sir Jhong sa office ni Ion.

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now