41 | looking back

445 20 2
                                    

Ion pov.

Pagkauwi mula sa umagang misa ay umalis na rin kami agad ng fiance ko.

Ang sarap isipin na fiance ko siya.

"Babe saan ba kasi tayo papunta?" Tanong ko dito.

Siya kasi ang nag da-drive ngayon.

"Sa bahay ni Lolo." Ngiti niyang sagot.

Malayo layo pa daw kaya dadaldalin ko nalang muna siya.

"Alam mo bang selos na selos ako dati sanyo ni Zeus?" Sabi ko.

Ngumisi naman siya.

"Hala, crush mo na pala talaga ako dati pa?" Tanong niya.

"Ulit ulit babe?" Biro ko.

Sumimangot naman siya.

"Tas alam mo ba nung nag lap dance kayo ni Zeus sa isa't isa banas na banas ako, gusto na kitang hilain dun at angkinin." Natawa pa ako nung alalahanin ko yung tagpong yun.

"Aminin mo ang hot ko dun."

"Oo pero nakakainis kasi si Zeus nun, tapos parang sadya mo pa akong pinapaselos." Maktol ko.

"Kelan? Napaka assumero mo, Ion ha. I do not know lang Ion, ha." Sagot nito.

"Nung sa birthday mo tapos lalo na nung sa boracay! Kung maka titig ka sakin habang nakikipag hot dance sa iba! Ang sakit kaya ng puso ko nun." Nag pout pa ako dahil masakit talaga yun eh.

"Eh akala ko naman kasi biro biro lang yung tayo kaya ganon. Malay ko ba na bighani ka na talaga sakin." Mayabang niyang sabi at liningon pa ako. Natigilan rin siya ng nakitang naka simangot na ako.

"Pero ikaw naman ang mahal ko ngayon, papakasalan pa nga eh, diba?" Bawi niya.

Agad naman akong napangiti.

"Bwhahahaha! Ang sungit sungit mo sa trabaho pero isang lambing ko lang sayo rumupok ka agad."  Biro niya at pinalo pa ang braso ko.

"Tanggal angas ko sayo, babe!" Sabi ko at parehas kaming natawa.

~

Hininto ni Vice ang sasakyan sa harap ng isang simpleng bahay.

Simple lang talaga ito dahil halos gawa ito sa kahoy.

Naglalakad kami papalapit sa sa pinto ng may sumigaw at tinawag si Vice.

"Tutoy?!" Sigaw ng isang may edad na ring babae.

"Manang Cellie!" Tawag rin dito ni Vice at yumakap.

"Tutoy, jusko po, anak ko, bakit ngayon ka lang bumalik?" Sabi nito habang yakap yakap kay Vice.

"Manag Cellie, miss ko na ho kayo."

"Nako anak, hinahanap ka parati samin ng mga kababata mo." Lumuluha nang sabi nito.

Pati tuloy ako ay naiiyak na.

"Buti ho andito kayo, sakto."

"Aba anak, tuwing kaarawan mo at ng Lolo mo naglilinis ako dito." Natigil ito sa

"Salamat ho ng marami." Sagot ni Vice.

Pumasok kami sa loob, dumeretso kami sa dating kwarto ni Vice.

"Ang ganda ganda na ng bantutoy namin. Anak, bakit di mo subukang mag model?" Biro ni Manang Cellie.

"Auntie naman eh!" Sagot ni Vice at pinunasan ang luha niya.

"Hindi nga anak, ang ganda ganda mo talaga anak, jusko, di na kita halos makilala." Hinaplos pa ni manang Cellie ang mukha ni Vice.

Napalingon naman ito sakin.

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now