44 | modeling gig

426 20 16
                                    

a/n: hello, loves! Sorry at di ako naka update sainyo kahapon. Ito na ang pambawi. Basahin niyo ng buo to, ah? May treat sa baba 🫣🫣 I'll update tomorrow ulit or mamaya, kapag hindi busy.

Vice pov.

Mabilis na lumipas ang dalawang buwan. At mabilis rin ang tuluyang pagbaba ng kumpanya.

Sabado ngayon at walang pasok. Kaya naman naisipan kong lutuan siya for our 6th monthsary.

Anim na buwan.

Ang bilis ng panahon.

Andito ako ngayon sa supermarket para mag grocery ng kakailanganing kong sangkap pati na rin lagyan ng laman ang ref ni Ion. Wala na kasi siyang time para asikasuhin mga yun eh.

Tumatawag ang future mister ko, ehe!

"Hello, babe?" Sagot ko sa tawag.

"Babe asan ka? Pag gising ko wala ka na dito." Alam kong naka kunot na ang noo ng lalaking to.

"Babeee, nandito ako sa SM, nag go-grocery lang para may laman ref mo.''

"Ilang oras ka pa diyan babe?"

"Matatagalan pa ako eh, halos kakaapak ko lang sa supermarket."

"Sunod ako diyan? Diyan na tayo kumain."

"Okay, babe. Ingat sa pag drive, okay?"

"Yes, babe! I love you." Sabi nito bago binaba ang tawag.

Minadali ko na ang pag grocery dahil mabilis lang mag ayos ang fiance ko. Baka 30 minutes lang eh nandito na yun.

Habang namimili kung toyong datu puti o silverswan eh may tumawag saking pamilyar na tao.

"Ms Vice Viceral, right?" Liningon ko ito.

Si Jaz Cerezo with Paul Cabral. Sila yung nag style samin ni Ion nung ball.

"Uyy, hello! Dito rin kayo?" Ngiti kong sabi at bumeso sakanila.

"Nako di pupunta sa ganitong lugar ang mamu paul, talagang may need lang dito." Tumatawang sagot nito sakin.

Hinampas naman ni mamu Paul si Jaz balikat.

"Anong ganap mo dito, ante?" Tanong nito sakin.

"Ahh, konting grocery lang hehehe." Tipid kong sagot.

"Shocks! May ring? Engaged?" Turo pa ni Mamu sa kamay ko.

"Ay, hehehe, oo." Nahihiya kong sagot.

"Kay Mr Perez ba?" Tanong ni Jaz.

Ngumiti lang ako.

"We told you so! Sabi na eh, happy for you Vice." Bumeso pa si Mamu.

"Thank you po."

"Nako wag mo na kaming i-po, mag marehan na tayo at mukhang masaya ka kasama." Ani ni mamu at natawa kami.

Nag chikahan kami tungkol sa trabaho at love life, sumunod na sila sakin kahit pa alak talaga ang sadya nila dito.

Pagtapos ng halos dalawang oras ay na box na rin ang lahat ng pinamili namin.

"Vice ha, try mong i consider, okay?'' Paalala nilang dalawa sakin bago tuluyang umalis.

Tumango lang ako.

~

"Mary Grace nalang tayo kumain, babe." Suhestiyon ko. Pumayag naman siya at nagtulak ng cart paliko dahil duon ang daan pa Mary Grace.

Wala saming nagsasalita habang naglalakad.

"Ang tahimik mo, babe ah?"

Bumalik naman ako sa wisyo.

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now