16 | closer

532 24 0
                                    

a/n: comments and votes are highly appreciated! mas nakakagana mag sulat, i swear jajajaja <333


~

Vice pov.

Nagising nalang akong may nakayakap sakin.

Nang ma realized ko na si Ion yun ay di na ako naglikot at mas dinama nalang ito.

Ang sarap kaya sa feeling na may kayakap!

Kagabi ay halos isang oras mahigit akong naka yakap lang sakanya habang umiiyak.

Sakit kasi talaga eh!

~

Ilang minuto lang ay nagising na rin siya.

Nag kunwari naman akong tulog.

"Vice." Sambit nito at marahang hinagod ang likod ko.

Nagkunwari naman akong nagising.

"Hmmm, mo-morning.." sabi ko at umupo ng ayos sa tabi niya at nag inat inat pa.

Narinig ko naman ang mga bakla na nag uusap sa labas.

"Ikaw na kasi gumising!" Malaks na bulong ni Lassy.

"Tsk! Pag ako nasipa, sisipain rin kita ha." Sagot ni Tetay at binuksan ang pinto.

Nagulat naman sila dahil katabi ko si Ion.

"Ay pota!" Sigaw ni Lassy.

"Bukas bukas nalang ng pinto ah, paano kung hubo't hubad ako? Edi nakita niyo ang bayabas?" Biro ko at inirapan sila.

"Ay hehehe! Eh kasi meme may pasok ka pa ng maaga kaya pumasok na kami para gisingin ka." Sagot ni Tetay.

"Di naman namin alam teh na tinake home mo na rin pala yung boss para pwede ma late." Biro ni Lassy at nag madaling lumabas.

"Bungaga niyo!" Sigaw ko.

Nagtawanan naman sila at lumabas. Sinara rin nila ang pinto.

"Tawang tawa?" Baling ko kay Ion.

"Hahahaha! Eh kasi nakakatawa talaga, havey sakin yung bayabas." Sabi nito at tumayo pa.

Nag inat inat naman siya at di ko maiwasang mapa tingin sa kung saan.

Naka boxers at tshirt lang kasi siya!

"Nako, tinitignan mo yung bayabas ko." Biro niya.

"Hoy, ang kapal ng mukha mo!" Sigaw ko dito at inirapan siya.

Linayo ko naman ang tingin ko dahil ramdam ko ang pamumula ko.

May bayabas rin ako no! Alam ko ang pakiramdam sa umaga.

Punyeta talagang utak to!

"Mauna na ako maligo, Vice. Pakalmahin mo na rin yang bayabas mo." Biro niya.

Inambahan ko naman siyang babatuhin ng unan kaya dali dali siyang tumakbo papasok sa cr.

Gago talaga!

~

Pagtapos ko maligo at mag bihis ay naabutan ko si Ion na nag titingin sa mga pictures ko na naka sabit.

"Gandang ganda ka nanaman sakin, Sir." Biro ko sakanya.

"Maganda ka naman talaga eh." Straightforward niyang sagot.

"Nako sir, umii-style ka na sakin porket wala na akong manliligaw ah." Biro ko dito pero mukhang naasar ata dahil sinamaan ako ng tingin.

~

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now