30 | dinner

499 18 0
                                    

Vice pov.

"Good morning, miss beautiful." Bati sakin ni Ion at pinag buksan pa ako ng pintuan.

Umikot rin siya agad para sumakay sa driver's seat.

"Aga natin mambola ah?" Biro ko.

"Tsk! Na excite akong makasama ka tas gaganyanin mo lang ako?!" Nakasimangot na sabi niya hababg sinusuot ang seat belt.

"Sus, tampo agad ang bebe." Hinalikan ko siya ng mabilis sa pisngi.

Agad namang sumilay ang ngiti sa labi niya.

"Ang rupok mo, Ion!" Tumatawang sabi ko.

"Hmp! Porket alam mo kahinaan ko ha."

~

Nandito kami ngayon sa La Creperie para mag breakfast.

"Bawas nanaman to sa sahod ko, next time sa karendirya nalang tayo sa tabi tabi kumain ha." Biro ko sakanya at umayos ng upo.

"Libre ko naman to eh." Naka ngusong sagot ni Ion.

As a mahilig sa sibuyan French Onion Soup at Paysanne ang order ko, kay Ion naman ay Crevette Aux Épinards, pucha ang hirap basahin basta yung isa sa mga galettes don.

"Ang mahal ng breakfast ko today, ig worthy to." Sabi ko bago ko picture-an ang pagkain namin.

"Pwede na kumain?"

"Yes, boss!" Sagot ko.

Habang ini-enjoy ko ang mahal na breakfast ay nahagip ng mata ko si Cat.

"Si Cat ba yun?" Takang tanong ko. Liningon rin to agad ni Ion.

"Oh, she's with someone."

"May boyfriend pala siya di niyo ko ni inform." Sabi ko at hinigop ang soup.

Di naman ako assumera pero mukhang boyfriend niya nga dahil sweet silang kumakain, nag susubuan eh.

"Wala rin akong alam eh, saka kung meron man sasabihin niya sakin. I wonder kung bakit di niya sinabi ngayon."

"Baka daw kasi mag selos ka." Biro ko sakanya.

"Tsk!" Inismiran lang ako ng pota.

"May sinabi na ba si mama kung saan mag di-dinner mamaya?" Pagiba niya ng topic.

"Sa taste of LA nakalagay sa schedule mo." Nag aalala kong sagot.

Hays naman kasi tong tatay ni Ion, kung kelan di na kailangan saka bumalik. Tsk!

"What time? Hatid at sundo nalang kita mamaya kung gusto mo pa mag palit ng damit."

"7 pm pa naman yun, Sir. Di na rin need mag palit, ayos na tong formal ko today." Ngiti kong sagot.

Inabot ko naman ang kamay niya at hinimas ito. Wala lang, para lang alam niyang andito lang ako para sakanya.

Hinigpitan niya rin ang pag kapit sakin at ngumiti.

~
Mabilis na umandar ang oras ngayong araw. Para bang gusto na talagang pag usapin si Ion at ang tatay niya.

Kita ko ang kaba sa mukha niya habang nag da-drive. On the way na kasi kami ngayon papuntang taste of LA.

"Okay ka lang ba? Ako na kaya mag drive para maka kalma ka." Suhestiyon ko.

"No, ako na. Just be there with me, ayos na yun." Sagot niya. Napangiti lang ako.

May kilig akong nararamdaman pero di pa rin talaga mawala ang pagaalala ko para kay Ion.

~

Huminga muna siya ng malalim bago kami tuluyang pumasok. Hawak kamay kaming pumasok. Pero nung makita kong naka tingin samin ang tatay ni Ion ay hinila ko agad pabalik ang kamay ko.

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now