7 | lunch

562 19 3
                                    

Vice pov.

"Namiss kita mami Vice!" Sabi niya at ngumit ng malaki.

Sumakay naman agad ako sa sasakyan niya dahil wala naman akong choice saka late na rin ako no!

"Salamat talaga at naisipan mong sunduin ako, nakakaloka, male-late talaga ako kung di mo ako nasundo." Ngiti kong sabi.

"Walang anuman Mami!" Sabi niya.

"Teka ba't mami na tawag mo sakin?" Natatawa kong tanong.

"Hala! Bilis mo naman makalimot. Kagabi diba inaasar namin kayo sabi mo para mo akong anak mo. Edi mami na kita." Malungkot niya pang sabi.

"Hahaha! To naman china charot ka lang. Oo naalala ko." Sabi ko at sinampal pa siya ng mahina.

Buti nalang at madaming alam na shortcuts si Ryan tapos wala gaanong traffic kaya mabilis kaming nakarating.

Sabay na rin kaming umakyat papuntang office.

"Grabe kayo ka sweet kagabi ni Sir Ion." Sabi niya sakin at tinaas baba pa ang kilay niya.

"May tama kami parehas kagabi. Di namin napansin ginagawa namin." Sagot ko sakanya.

Ayoko ring isipin yung kagabi dahil alam ko namang may tama lang si Ion kaya ganon siya ka landi sakin kagabi.

"Morning guys!" Masaya kong bati sakanila.

"Hi, meme!"

"Hi me!"

Bati nila sakin.

Meme na rin nga pala ang tawag nila sakin dahil napagtanto nila na ako pala yung Vice Ganda na parating nasa vlog ng beks battalion. Meme ang tawag sakin ng mga kaibigan ko kaya ayan nakigaya na rin sila.

~

Pagkaupo ko sa desk ko ay sinumulan ko na agad ang trabaho.

Nagulat nalang ako ng biglang may naglapag ng kape sa desk ko.

"Pampagising." Sabi niya with his bedroom voice.

"Thank you po." Sagot ko at ininom na agad ang kape.

Ang tapang puta!

Talagang nakakagising nga.

~

Lunch break at nasa pantry kaming lahat, team 1 at team 2.

Sabi nila sakin ay dahil daw sakin eh napaglapit ko ang dalawang team, tulay daw nila ako.

"Dami mo na agad natulong samin, 3rd day mo palang." Ngiting sabi ni Wilbert.

"Hoy Wilbert, kay Sir Ion na yan!" Pang aasar ni Teddy.

"Gago!" Sagot ni Wilbert at nagtawanan kami.

"Speaking of Sir Ion, saan nga pala siya kakain?" Takang tanong ko sakanila.

"Uy! Miss agad niya." Pang aasar sakin ni Kim.

"Wag na magtanong, balakayojan!" Sagot ko at nagsitawanan sila.

"Parati yung kumakain mag isa sa office niya Ms. Vice." Sagot sakin ni Jugs.

"Eh bakit di natin yayain? Di niyo ba siya ever nayaya?" Tanong ko sakanila.

Tumahimik naman sila at tumawa.

"Huh? Bakit?" Taka kong tanong.

"Alam mo meme, madami ka nga pa talagang alamin." Sabi sakin ni Tyang Amy.

"Mami, si sir Ion never namin nakasabay kumain yan, palagi yang nakasimangot lang at seryoso. Magjoke nga sakanya di namin magawa eh, yayain pa kaya mag lunch." Explain sakin ni Ryan.

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now