38 | Vicerals

491 24 2
                                    

Ion pov.

Four months full of love and kilig.

"I love you." Bulong ko sakanya.

Magkayakap kami ngayon sa  gitna ng kwarto niya, nakatayo kami.

"I love you too, so much." Sagot niya.

"Sabi ko sa 6th months natin saka kita ipapakilala kila Nanay." Dagdag niya.

"Mas okay nga na mas maaga, para ma inform silang may gwapong boyfriend ang anak nila." Biro ko.

"Wag na pala kita ipakilala."

Anak ng?!

"Babe! Tsk!" Kumalas ako sa yakap dahil ayaw ko talaga ng mga ganyang biro niya.

"Ito naman, biro lang baby ko, halika na hug na ulit." Tawa tawa niyang sabi at hinila ako pabalik sakanya.

"Hay, benigno, mahal na mahal talaga kita."

Ganitong moments namin ang favorite ko, yung sakin niya lang pinapakita ang soft at clingy side niya. Ang sarap kasi talagang fierce lagi ang aura niya pero pag sakin ay parang tutang maamo.

"Mahal na mahal rin kita, Jose Marie." Sagot ko.

Hindi pa rin alam ng mga empleyado ko ang relasyon namin ni Vice. Si Anne lang na ka close ni Vice ang nakaka alam sa trabaho.

Maliban kila mama, papa, at Jhong, wala na akong ibang sinabihan.

Sa side naman niya ay lahat ng kasama niya sa bahay ang nakakaalam.

Gustuhin mo mang i out ang relasyon namin, si Vice na mismo ang may ayaw. Para bawas conflict daw.

"Tulog na tayo, babe, mahaba pa ang byahe bukas." Paalala ko sakanya.

La union kasi ang byahe namin bukas. Pagtapos ng tatlong taon ay ngayon lang uuwi si Vice sakanila. Simula daw kasi nung mag away away silang magkakapatid ay di na siya umuwi.

~

Pagtapos ng ilang oras na byahe ay nakarating rin kami sa harap ng isang simpleng bahay. Malaki ito pero simple lang.

Huminga ng malalim si Vice bago hinawakan ang kamay ko at sabay kaming naglakad papasok.

"Kalma, babe." Bulong ko sakanya.

Pagpasok sa gate ay simpleng graden ang bumungad samin, may mga halaman at bulaklak na nakatanim.

Bago pa man kami kumatok ay bumukas na ang pinto.

Linuwa nito ang isang babae, mukhang may edad na.

"Tutoy.." sambit nito bago napa takip sa bibig niya.

"Ate." Sagot ni Vice.

Agad namang umagos ang luha ng babaeng nasa harap namin at yumakap kay Vice.

"Bunso!" Sigaw nito bago yumakap kay Vice.

Naantig ang puso ko sa nakikita ko ngayon, wala kasi akong kapatid eh, nakaka inggit tuloy.

Kinuha ko naman sa kamay ni Vice ang sling bag niya para mas mayakap niya ang kapatid niya.

"Jusko, bakit ngayok ka lang umuwi? Miss na miss ka na ng Nanay." Umiiyak pa rin na sabi ng babae sa harap namin.

"I'm so sorry ate." Lumuluha na ring sabi ni Vice.

"Halika, pasok." Binuksan ng ate ni Vice ng malaki ang pinto. Di niya ata ako napansin.

"Nanay, ang tutoy andito na!"

"Tuy, anak?" Sambit ng matandang babae na papalapit samin.

May edad na nga siya, uugod ugod na kung mag lakad.

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now