39 | Vicerals part 2

441 18 1
                                    

Ion pov.

Nakatulog kaming magkayakap ng babe ko. Inabot ko ang cellphone ko sa gilid at nakitang mag a-ala sais na pala.

Lumabas ako ng kwarto ni Vice para uminom ng tubig nang makasalubong ko ang isang matangkad na babae??

"You're Ion, right?" May accent na sabi nito.

Natakot ako bigla. Sino siya?

"Uhh, yes p-po." Sagot ko.

"I'm Emma, Vice's sister." Ngiting sabi nito at inabot pa ang kamay niya.

Para akong nabunutan ng malaking tinik nung ngumit siya.

"Good evening po." Sabi ko at nakipag shake hands sakanya.

"Vice is asleep?"

Tumango lang ako.

"Please wake her up na, dinner na tayo." Sabi nito bago tuluyang bumaba.

Hindi na ako kumuha ng tubig at bumalik nalang agad sa kwarto para gisingin si Vice.

Pero teka, kuya Emanuel? Ate emma?? Wait.. iisa lang ba sila??

"Babe gising." Tawag ko kay Vice, agad naman itong nagising.

"Kain na daw tayo sa baba sabi ni ate Emma."

Kumunot naman ang nuo niya.

"Ate emma? Sinong ate Emma?" Tanong niya.

"H-hindi ko rin alam, babe. Baba sana ako kanina tapos ayun sabi baba na daw tayo gisingin kita." Utal ko pang sabi.

Huminga lang ng malalim si Vice at nag ayos ng sarili.

Ganon na rin ang ginawa ko.

~

Kinakabahan akong bumaba ng hagdan kasama si Vice. Hinawakan ko ang kamay niya dahil alam kong mas kinakabahan siya.

Agad kaming pumuntasa dining room.

"Ku-ku..kuya?" Sambit ni Vice at umingon si ate Emma.

"Bunso." Bulong na sabi nito.

Tumakbo si Vice papunta dito at yumakap.

"Bakit di mo sinabi sakin?" Tanong ni Vice.

"Ka-kasi baka magalit ka..napaka hipokrito ko, I'm so sorry, bunso." Sagot ni ate Emma.

"Ate Emma, I love you." Deretsong sabi ni Vice.

Nagusap pa ang dalawa at pinanood lang namin sila.

"Tama na ang drama, ipakilala mo na ako sa boyfriend mo." Ngiting sabi ni ate Emma.

Natawa naman si Vice.

"Ahh, a-ate, si Ion."

Bumaling naman ito sakin.

"Babe, si ate Emma."

Nakipag shake hands naman ako.

~

Hindi namin napansin ang oras. Napuna ang dinner ng tawanan at throwback kwento nila, ang dami nilang binubulgar tungkol sa girlfriend ko.

Plinano rin nila ang birthday ni Vice. Dinner daw namin ito ice-celebrate, inimbitahan lang ay ang mga malalapit na kaibigan ni Vice sa mga beks na kasama niya sa bahay.

Sinuhestiyon ng ate niya na i-invite ang parents ko, pero kahit gustohin ko man ay di pwede dahil kailangan sila sa kumpanya.

Sa umaga daw ay pupunta kami ng simbahan na nakagawian nilang puntahan tuwing may okasyon

Sa tanghali ay preperasyon sa lahat habang kami daw ni Vice ay mag gala muna, sa gabi nalang daw kami bumalik.

Ngiting ngiti ako buong gabi dahil botong boto sila sakin! Lagi nilang sinisiguradong may quality time pa rin kami ng girlfriend ko.

Kung pwede lang na dito nalang kami eh.

"Saya mo ah?" Sarkastikong sabi sakin ni Vice bago tuluyang humiga sa kama niya.

Nandito na kasi kami ngayon sa kwarto niya.

"Botong boto sakin ang mga Vicerals." Ngisi kong sabi.

"Eh ano ngayon?" Mapang asar na tanong niya.

"Wala naman, hehehe! Kinikilig lang ako babe kasi tanggap ako ng pamilya mo." Ngiti kong sabi at yumakap sakanya.

Natahimik naman siya.

Anyare?

"Bakit ka natahimik?" Tanong ko sakanya at pinantay ang mukha ko sa mukha niya.

"Wala lang, na realize ko lang na ang saya nanaman ng buhay ko, ano nanaman kayang bawi nito?" Mapait niyang sabi.

"Hays! Wag mong isipin yan, babe, please? Enjoyin muna natin yung saya ngayon, okay? I love you."

Ngumiti lang siya sakin.

"Pwede bang i kwento mo sakin kung bakit nagka ganon kayo ng mga kapatid mo?"

Tumango lang siya.

Huminga siya ng malalim bago siya magsalita.

"Lumayas ako dito almost 4 years ago dahil sa away namin nila kuya na ate na ngayon." Mahina pa siyang tumawa.

"Uhm, si tatay kasi hindi tanggap kung ano ako, mapapansin mo naman sa bahay na puro santo at kung anong display na santo. Religious ang nanay at tatay ko, babe."

"Ta-tapos uhhh." Hinawakan ko ang kamay niya dahil mukhang naiiyak na siya ngayong inaalala niya.

"Lumubha sakit ni tatay, eh kaka out ko lang tapos, damit babae pa, ayun, galit na galit siya. Gusto ko ngang iwasan nalang pero si nanay naman ang naaapektuhan."

Hindi na napigilan ni Vice yung luha niya. Gusto ko nang patigilin ang pag kwento niya pero bago pa man ako makasalita ay nagkwento ulit siya.

"Sa galit ng tatay sakin, mas lumubha sakit niya. Masakit rin para sakin yun dahil lumaki akong malapit sakanya, kaya ayun, naglayas ako at pumunta kila Chad."

"Kaya ba hindi sinabi ni ate Emma sayo na nag transition siya?"

"Oo, siguro, kasi siya yung pinaka naging kaaway ko nung mga panahon na yun tapos siya naman pala tong babae talaga, hahaha!" Sinubukan niya pang magpatawa.

"Thank you kasi shine-share mo sakin ang buhay mo." Sinsero kong sabi.

"Thank you kasi di ka napapagod na makinig. Salamat, Noi."

"Welcome, tuy. I love you." Sabi ko at hinigpitan pa ang pagkayakap sakanya.

"I love you too, Noi."

Ang dami mo na palang pinagdaanan ng dahil lang sa seksuwalidad mo. Hayaan mo sana akong ipagtanggol ka sa mapang husgang mundo, Tuy, hayaan mo sana akong mahalin ka habang buhay.

"Good night, babe." Bulong ko bago tuluyang pumikit.

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now