28 | new character

543 21 5
                                    

Vice pov.

Pagpasok ko sa pinto ay nagulat ako ng biglang may pumutok.

"WELCOME BACK, VICE GANDA" Sigaw nila at nagpalakpakan.

Nakita kong may mga hawak rin silang camera. Ampota, ginawa akong content ah.

"Ayses! Ayses! Ayses! Talagang ginawa akong content, mema content lang?" Biro ko at nagtawanan sila.

"Hoy! Hindi ah! Namiss ka lang namin." Palusot pa ni MC.

"Sus! Pagkakakitaan niyo pa yung ganda ko eh." Inirapan ko sila at pumosing sa camera.

"What's up mga bading! Andito ang meme niyo, oh! Maganda't fresh." Yabang ko sa camera.

"Wow! Porket may love life." Sigaw ni Tetay at inirapan ako.

"Eh anong magagawa ko, maganda ako masyado?" Biro ko at umupo na sa lamesa.

Naka set up pa rin ang camera. Normal na saming lahat yun dahil puros vlogger ang nandito sa bahay. Lahat sila ay mga content creator. Sanay na ako na may nag fo-follow sakin at nag cocomment pa sa mga posts ko minsan kung nasaan sila.

Hays! Buti nalang talaga at supportive friend ako, tapos I love clout pa, combo!

"Ang dami niyong hinanda, ha. Shelemet neng mereme." Pabebe kong sabi.

"Namiss ka namin, Me! Apat na araw rin yun no." Saad ni Orli.

"Sweet ng Ms. Ohw na yan. May boylet ka ngayon no? Parang nabawasan ang stress sa mukha mo eh." Biro ko at hinila pa ang mukha niya at kunwaring ineksamina.

"Gaga! Ikaw nga yun eh." Sabi niya at tinampal ako ng mahina.

"Huy, guys! Shhh! Nakakahiya!" Pag iinarte ko at winasiwas pa ang buhok ko.

"Ano nga?! Chika mo na ma. Damot naman neto." Biro ni Chad.

"Liniligawan palang ako eh. Saka baka di okay sakanya na ipaalam kasi you know naman, Mom is very conservative." Sabi ko sa boses ni Kris Aquino.

Nagtawanan naman sila at minura ako.

"Pero bawat uwi mo may chikinini ka?! Manliligaw premium?" Biro ni Tetay at pinakyu ko naman siya.

"Eh nanggigigil siya sa ganda ko eh." Sagot ko. "Huy guys yung buhok ko naaapakan niyo." At umarte pa akong hinihila ang imaginary hair ko.

Natapos ang dinner namin na puno ng chikahan at kainan. Puros about sakin ang chika sa vlog na yun. Sana lang ay di magkalkal ang mga chismosang fans ng Beks Battalion dahil lagot talaga ako.

"Akyat na ako mga bakla! Pagod na ang meme." Dumiretso na ako sa cr ko at naligo para fresh pagtulog.

Ni message ko muna si Ion bago matulog.

to: Sir Ion
I hope you had a good dinner date with tita. Tulog na ako, see you tomorrow, pogi. ❤️

Alam kong masiyadong sweet, eh bakit ba? Feel ko lang maging sweet. Di ko na rin naantay ang reply niya at natulog na ako.

~

"Good morning, Sir." Bati ko sakanya at sinuot ang seat belt.

Sinundo kasi ako ni Ion ngayon. As usual naka shades siya.

"Mahihirapan ka mag drive, akin na." Tinanggal ko ang shades niya at tumambad sakin ang naniningkit niyang mga mata.

"Oh my. Your eyes! Kinagat ka ba ng ipis?" Seryoso kong tanong.

(a/n: imagine-in niyo yung mata ni ion dati nung may nag pa picture sakanya sa tarlac nung nag away sila ni mimi vaiz jajaja)

Hindi niya ako kinibo.

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now