4 | first day

597 14 0
                                    

Vice pov.

7:30 pa lang ay nasa harap na ako ng Perez Corp Building.

Di naman halatang excited ako ano?

Simple lang ang suot ko ko ngayon.

Simple lang ang suot ko ko ngayon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Habang nasa harap ng building ay iniinom ko ang kape ko. Tinititigan ko ang malaking sign.

Wala lang, para lang cinematic.

Papasok na sana ako ng may matinis na boses akong narinig mula sa likod ko.

"Your outfit is superb." Pag compliment niya.

Ngumiti naman ako. "First day eh, kailangan pakitang gilas." Sabi ko.

"Sabay na tayo pumasok sis." Sabi niya at nagsabay nga kami.

Masaya ulit akong binati ni Kuyang Guard.

Dito sa baba ang office ni Anne dahil team 2 siya.

Yinaya niya akong pumuntang pantry para kumuha ng umagahan.

"Sobrang alaga pala kayo dito, no?" Sabi ko dahil nakakatuwang isipin na libre lang ang pagkain na nandito.

"Oo, pero kapalit non ay pagiging sobrang higpit nila. Pero worth it naman." Sabi niya habang nginunguya ang ensaymada.

Kinain kona rin ang ensaymada.

Impernes, masarap siya.

Chichikahin ko sana ulit si Anne pero bigla siyang tumayo at nag bow.

"Good morning, Sir Ion." Sabi niya kaya napatayo na rin ako.

"Ay. Andiyan ka pala." Sabi ko dito.

Nakasimangot siya. Ang aga aga masungit. Saka bakit naka shades siya? Nasa loob na nga naka shades pa. Iba rin trip neto eh.

"Sumabay ka na sakin paakyat." Cold na sabi nito at naglakad.

"Teka lang! Tsk, tong lalaki na to talaga." Bulong ko pa. "Una na ako Anne ah?" Pagpapaalam ko at sinundan na si Ion.

Pagpasok namin sa elevator ay binigay niya agad ang limamg mabigat na folders. Hindi na ako nag inarte dahil parte to ng trabaho ko.

"May dumi sa mukha mo." Sabi nito.

Aabutin ko na sana ang cellphone ko para gawing salamin pero nabitawan ko ang mga folders. Punong puno ba naman kasi parehas ang kamay ko.

"Tsk. Gaslaw mo." Sabi nito at tinulungan akong pulutin ang mga folders.

"Eh ikaw naman kasi, pwede namang ikaw magbuhat ng iba dito, pinabitbit mo sakin lahat." Pagsusungit ko.

"Ay, may reklamo ka ba Ms Viceral?" Tinaasan pa niya ako ng kilay.

"Keme lang sir! To naman, di mabiro." Sarcastic kong sabi at umayos ng tayo.

Nagulat nalang ako ng hawakan niya ako sa balikat at ni pin sa wall.

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now