Part 1

109 7 0
                                    

"Athena, nasaan ka na?!" sabi ng bestfriend nitong si Lucy sa telepono

"Eto na, malapit na."

"Ay naku baka malate tayo sa presentation hindi natin makukuha ang project. Si Myra kasi nagbibida-bidahan naman dito. Naiinis na ko sa babaeng iyon, baka mahampas ko siya ng folder na to."

"Ikaw naman parang di ka na nasanay sa kanya." Huwag mo na lang kaya pansinin."

"Kaya nga bilisan mo na dito para may aawat saakin, you know, in case of emergency. Hayaan mo na nga yang boyfriend mo! Walang maganda yang idudulot sa iyo."

"Ikaw talaga, ang dami mong alam na kalokohan. At saka wala naman dito si Jeff, anong walang maidududlot? Ikaw talaga."

"Naku Thena, hindi ka nga niya makamusta man lang o mabisita. Sa ilang taon niyo naging mag syota, ilang beses ba kayo nagkita?" tanong ng kaibigan

"Ilang beses pa lang." sagot ni Athena

"Kaya nga, tapos wala pang nangyayari sa inyo! Hay naku! Oh sige na, nandito na si Gino."

Si Gino ay kaibigan nilang bakla. Unang naging magkaibigan si Athena at Lucy sa trabaho. Nung bago pa lang si Gino sa opisina ay sumabay na agad ito kina Athena kaya naging close silang tatlo. Siguro dahil pareho silang tatlo ng ugali. 

Sanay na rin si Athena sa mga pinagsasabi ni Lucy, alam niyang mahal siya ng kaibigan niya kaya hindi na siya naapektuhan kung may sasabihin man ito na para sa ikabubuti niya. 


"Mabuti at nandito ka na" sabi ni Lucy kay Gino

"Why naman ang init ng ulo mo girl?" 

"Tignan mo yan si Myra, nagbibida naman, hindi naman pantay ang eyeshadow."

"Hay sissy, huwag mo nang pansinin iyan. Ang aga-aga masisira lang ang mood mo. Tignan mo ang buhok mo, unti-unti na naging curly. Hindi yan nice." sabi ni Gino

Maya-maya pa ay dumating na si Athena. Masigla nitong binati ang mga kaibigan 

"Hello madlang people! Mabuhay! Oh ba't nakasimangot to?" ang tinutukoy ni Athena ay ang kaibigang si Lucy

"Paano, naiinis kay M, you know?"

"Ahh, sus! Hayaan mo na! Tayo ang makakakuha ng project na yun."

"Eh paano kung hindi? Naku sis, hindi pwedeng hindi natin mahawakan si Kathy Bernardo. Imagine! Ma interview natin siya at makatrabaho. Iba!"

"Kaya nga mag focus ka sa presentation natin mamaya." sabi ni Athena

"Keep your eye on the prize sissy!" sabi ni Gino

"Yes!" Athena agreed


-----

"Good take, good take! Good job Felip!" sabi ng direktor 

Nagsho-shoot sila ngayon ng music video para sa bagong kanta ng SB19. Kakatapos lang e shoot ang part ni Felip o mas kilala bilang Ken, an introverted and quiet member of SB19, a very famous Ppop group in the Philippines. His mysterious aura and snobbish demeanor added to his enigmatic charm, leave fans and media alike longing to unravel the secrets behind his enigmatic smile.

Matipid siyang magsalita at alam na yun ng kapwa member niya. Sa sobrang tagal na nilang magkakakilala ay alam na alam na nila kung paano tratuhin si Ken. Hindi naman siya suplado, sadyang mahiyain lang talaga ito. May mga pagkakataong madaldal din si Ken pero sa mga taong kilala niya lang, at iyon ang mga ka-grupo, malapit na mg akaibigan at staff nila.

When our Worlds CollideWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu