Part 25

63 9 2
                                    

Araw ng concert nila sa New York. At dahil ito ang simula ng kanilang America tour, medyo kinakabahan pa ang lahat. Kaya sinisigurado nilang walang papalya sa concert na iyon. 

Naging maayos ang picture taking ng grupo kasama ang mga vip ticket holders sa photo op. Ngayon nagbibihis na sila para sa concert nila maya-maya.

Tinawag ni Lucy si Athena

"Thena, baka pwede naman ikaw na lang ang magbigay neto kay Pablo? Kailangan ko pa kasing hanapin ang photographer. Maguumpisa na in 30 minutes" sabi ni Lucy

"Ok"

Dali daling pumunta si Athena sa dressing room ng Sb19. Nang makarating si Athena sa dressing room ay si Ken na lang ang naroon.

"Ken, si Pablo?"

"Sa backstage na." sagot ni Ken

Nakita ni Athena na inaayos pa ni Ken ang lace sa leeg niya. Kaya para hindi mahuli si Ken ay tinulungan niya ito.

"Ako na."

Nilapitan niya si Ken at inayos ang lace sa leeg nito. Nindi napansin ni Athena kung gaano kalapit ang mukha niya kay Ken.

Sa sobrang lapit ni Athena ay maaamoy ni Ken ang bango nito. Gayun din si Athena. Napagtatnto niyang masyado silang malapit sa isat-isa, kaya minadali niya ang pag-ayos ng damit ni Ken. 

Athena let out a heavy sigh and Ken felt it. Nararamdaman niya ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

Biglang ngumiti si Ken, kung ano-ano kasi ang pumapasok sa isip niya. Napansin agad iyon ni Athena.

"Anong ngiti-ngito mo dyan?"

"Para kasing sinasadya mo na patagalin para makalapit ka sakin eh." Biro ni Ken

"Huwag ka ngang gumalaw! Ulol! Bakit ko naman gagawin yon? Boyfriend ba kita?

"Soon." makulit na sagot ni Ken

"Para kang engot" sabi ni Athena

Natigilan si Athena sa sinabi ni Ken. Hindi niya na ito pinatulan baka saan pa umabot ang kanilang paguusap.

Nasa ganoon posisyon silang dalawa ng pumasok si Stell sa dressing room. Susunduin niya sana si Ken doon.

"Ken! Bilisa-, ay wow! Hello naman sa inyong dalawa."

Saktong natapos din ang pag-ayos ni Athena kaya lumayo na ito kay Ken.

"Epo-postpone na lang ba natin ang concert? Para may time kayong dalawa dito." sabi ni Stell

"Inayos ko lang ang ribbon sa leeg niya." Paliwanag ni Athena

"Weh! Mamaya na yan kasi. I'm sure elo-look forward yan ni Ken. Alam mo kasi-"

Hinila na ni Ken si Stell para wala na itong masabi.

"Teka, pakibigay na lang to please kay Pablo, galing kay Lucy yan."

"Ok" sabi ni Stell

"Oh ngayon nahihiya ka?" sabi ni Stell kay Ken

"Eh di ba sabi mo kailangan ko nang umalis? Eh di umalis." rason ni Ken

"Sus Ken, kilalang kilala na kita. Sa sobrang tagal nating nagsasama, feeling ko nga ako ang nagpaanak sa yo eh." biro ni Stell

"Ikaw talaga, dami mong sinasabi! sabi ni Ken

"Totoo naman ah. Ngayon lang kita nakita na nagkakaganyan sa isang babae. Eh kahit nga kay Danica hindi ka ganyan dati."

Nag-iba ang mood ni Ken at napansin agad iyon ni Stell

When our Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon