Part 2

50 7 1
                                    

"Andito na ko sa labas" sabi ni Ken 

"Ok sige, dito kami malapit sa bintana." sabi ni Stell

Habang papasok si Ken ay may napansin siyang mga babae na tumatakbo papunta sa kanya. Nung una ay di niya ito pinansin ngunit habang papalapit ang mga ito, ay dumadami sila kaya para hindi magkagulo, ay dali-dali siyang pumasok sa bar at ininform ang waiter tungkol dito.

Wala namang magawa ang waiter dahil napakarami ng mga tao, kaya dali dali siyang pumasok sa CR ng restaurant para hindi siya makita ng fans. Ayaw niya kasing maulit ang nangyari sa isang mall kung saan may babaeng natumba at muntikan ng maapakan ng mga tao. Isa rin ito sa rason kung bakit ayaw ni Ken na lumabas sa publikong lugar.

Dali-daling ni-lock ni Ken ang CR

"Ay putangina!" sigaw ni Athena

Hindi pinansin ni Ken si Athena, he is not even bothered why he's in the women's comfort room. 

"Sorry, kelangan ko lang magtago saglit." ang tanging nasabi ni Ken

Wala nang magawa si Athena, parang natahimik siya at natulala sa lalaki sa harap niya. Ready pa naman sana siyang makipagbardagulan sa lalaking ito pero napakasuplado nito. Kaya hindi na lang siya umimik. Lalabas na lang siya ng CR.

When Athena was about to unlock the door, dali-daling hinawakan ni Ken ang kanyang kamay. 

Napakalapit naman ng lalaking to saakin. Ay! Ang bango, amoy mamahalin si sir!

"Excuse me?" sabi ni Athena sabay kuha ng kamay niya

"Huwag mong buksan ang pinto."

"P-po?" 

"E-lock mo lang muna ang pinto." matipid na sibi ni Ken

Natakot si Athena

"S-sir, kung ano man ho ang pumapasok sa isip niyo ay huwag niyo na hong ituloy. Marami pa ho akong pangarap sa buhay, may mga kapatid pa ho akong pinapaaral sa probinsya. Huwag po please! Virgin pa po ako!" sabi ni Athena sabay hawak sa jacket ng mahigpit

Natawa ng malakas si Ken. 

"Sino ba ang may sabi na na may masama akong balak sa iyo?" tanong ni Ken kay Athena

Nainsulto ng bahagya si Athena sa malakas na tawa ni Ken pero hindi niya na ito pinansin. Nagpapasalamat na lang siya na walang planong masama ang lalaki na nasa harapan niya.

"Eh bakit mo ko hindi palalabasin?" 

"Kasi nga kailangan kong magtago."

"Bakit? Hinahabol ka ba ng pulis? Naku pag sakin nangyari yan eh susuko na lang ako para hindi na mapatungan ang sentensya ko." sabi ni Athena

"Alam mo ang daldal mo! Ang dami mong sinasabi. Hindi ka ba napapagod sa kakasalita." naiinis na sabi ni Ken

"Siguro kung ikaw ang nasa sitwasyon ko kakabahan ka rin." 

"Ang ibig mong sabihin nagiging madaldal ka kung natatakot?" tanong ni Ken

"Hindi ko mapigilan ek. Kailangan kong e-release ang stress."

"Sus, huwag kang mag-alala miss, hindi kita type at wala akong planong  gawin sa iyo."

"Ouch naman! Ang ganda ko kaya! Kung hindi mo naitatanong, nanalo ako ng Mutya ng Bonifacio sa probinsya namin."

Natawa si Ken kay Athena, hindi dahil nakakatawa ito, kundi natatawa siya sa pagkamadaldal nito. Athena's energy amazes Ken and her reaction to the situation made Ken's day.

"Naririning mo ba ang mga boses sa labas? Ewan ko kung maririning mo sila dahil sa kadaldalan mo, pero hinahanap kasi nila ako. Lalabas lang tayo, pag makaalis na sila." sabi ni Ken

When our Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon