Part 18

116 7 8
                                    

"Ken, hindi ka pa uuwi?" tanong ni Athena

Bumaba si Ken sa kanyang sasakyan at lumapit kay Athena

"Ikaw bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong ni Ken

"Ah, eh, wala lang. Hinihintay ko pa sina Lucy eh." sagot ni Athena

Dati malaya silang makapag-usap ng kung ano-ano, pero ngayon may ilang na silang nararamdaman na dalawa.

Gustong gusto ni Ken na tanungin si Athena kung bakit umalis siya habang nag peperform ito kanina. Ngunit nahihiya na siya. Hindi niya na alam kung paano kausapin ng normal si Athena.

"Uhm, baka gusto mo sumabay ka na lang saakin?" tanong ni Ken

"Ah ok lang Ken. Huwag na. Pahinga ka na, alam kong pagod na pagod ka.  ."

"Sure ka?"

Dati, napakadali lang para kay Athena na sumama kay Ken pero ngayon hindi niya na alam kung ano ang ikikilos sa harap ng singer.

"Yup."

"Sige, ah pano, mauna na ako." sabi ni Ken

Athena smiled and shyly waved her hand.


Bumalik na si Ken sa kanyang sasakyan at umalis na rin agad.


"Ano yon Athena? Parang tanga ka dun!" saway ni Athena sa sarili


-----


Isang linggo matapos ang kick off concert ng SB19 ay pumunta agad ang grupo sa Davao para sa Pagtatag concert nila na gaganapin doon. Hindi na nakasama sina Athena sa Davao dahil inaasikaso nila ang mga papeles sa gaganaping concert ng grupo sa America. Inaasikaso nila ang marketing at production ng concert sa America at Canada. Mas mahirap ngayon dahil lahat idinadaan online. Buti na lang ay may mga pinagkakatiwalaan na silang mga agency doon.

Matagumpay nilang natapos ang concert sa Davao at mararamdaman ng agency nina Athena na trending at patok ngayon ang SB19 kaya maraming lumalapit na brands na gustong mafeature ang grupo para sumabay din sa kasikatan nila.

Plano sana ni Athena na sumama sa grupo sa Pagtatag concert nila sa Bacolod, ang concert ng grupo pagkatapos ng Davao. Malapit lang kasi ito sa Iloilo kung saan balak niya sanang bisitahin ang kanyang pamilya kaya  humiling si Athena kay Pablo kung pwede ba siyang sumama sa Bacolod concert. Pumayag naman si Pablo at ibang mga myembro. Maiiwan pa rin sina Lucy at Gino dahil sila na lang ang tatapos ng mga natitirang gawain bago pa sila umalis papuntang America.


-----


Matagumpay ang concert ng SB19 sa Davao, ngayon ay naghahanda na ang grupo at ang mga staff nila para sa concert nila sa Bacolod. Excited na excited si Athena dahil sa wakas ay makakauwi siya pagkatapos ng ilang taon. Kahit isang araw makita niya lang ang kanyang pamilya ay sapat na iyon sa kanya.

[knock on the door]

"Pablo? Busy ka?"

"Thena, hindi naman. Naparito ka?"

"Ah, gusto ko lang sana magpasalamat at pinayagan mo kong sumama sa inyo. Alam kong hindi na to kasama sa trabaho ko, pero pumayag ka pa rin." sabi ni Athena

"Walang anuman Thena, kailangan mo rin makita kung ano yung ginagawa namin on tour para alam mo rin mga kakailanganin namin pag nasa America na tayo." sabi ni Pablo

When our Worlds CollideTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang