Part 31

60 9 2
                                    

Bandang alas siete na ng gabi nang magising si Athena. Naalimpungatan siya nang maalala kung ano ang nangyari sa kanila ni Ken. Dali-dali niyang tinignan si Ken kung natutulog ba ito.  Nang makita niyang mahimbing pa na natutulog ang binata ay dahan-dahan siyang tumayo at nagbihis. Athena gazed Ken's handsome face for the last time and hurriedly left the room.

Athena ran to her room. When she closed the door, she rested her forehead on the door and tried to catch her breath. Hindi makapaniwala na may nangyari sa kanila ni Ken.

Gaga ka talaga! Ano ba ang nangyayari sa yo ngayon? Hindi mo nga sinuko bandera mo kay Jeff na ilang taon na kayo! Tapos ibibigay mo lang basta-basta kay Ken? Athena!

Inuuntog niya ang kanyang ulo sa pinto habang kinakausap ang sarili.

"Ok ka lang?" tanong ng mga kaibigan ni Athena

Tangina! 

"Saan ka galing?" dagdag ni Gino

Hindi inaasahan ni Athena na nakauwi na ang mga kaibigan sa kanilang kwarto. Kaya dali-dali siyang nag-isip ng dahilan sa mga kaibigan.

Hinarap niya sina Lucy at nagdahilan na nagvape lang siya sa labas.

"Ha? Hindi naman ako umalis. Nag vape lang ako sa baba."

"Ah, akala ko saan ka na galing. Naku beshy, sayang di ka sumama, pumunta kami sa isang lake ang ganda dun!"

"Ganun ba? Sayang nga." Hayaan niyo bukas, sasama na ako sa inyo.

"Nag message sina Josh, sabi nila pupunta daw sila sa isang bar. Gusto mo sama tayo?" tanong ni Lucy

"Sige na beshy! Maganda iyan para sa iyo. Para maka unwind ka at hindi ka masyadong nagiiisip." sabi ni Gino

"Ngayon? Gabi na ah!" sabi ni Athena

"May party ba na naguumpisa ng 8? Syempre gabi tayo aalis."

Hindi niya sana gustong umalis pero kung hindi niya pagbibigyan ang mga kaibigan baka magdududa sila at magtampo. 

"Sige sasama ako."

------

Ken woke up expecting Athena to be at his side. Pero nang kapkapin niya ang kama ay tanging ang kumot lang ang naroon. 

Athena did not stay. 

Humiga pa ng ilang minuto si Ken sa kama. Inaalala ang nangyari sa kanila ni Athena. Biglang lumakas ang tibok ng kanyang dibdib. Hindi niya pa naramdaman sa iba ang naramdaman niya sa nangyari sa kanila ni Athena. Doon niya napagtanto na he did not just like Athena, but he is beginning to love her.

Bumalik siya sa katinuan niya nang  tumawag si Stell.

[Ken! Magbihis ka raw dahil lalabas tayo mamaya.]

[Saan daw pupunta?]

[Hindi pa ko sure basta mag ready ka na]

[Ok]

Tumayo na si Ken sa kama hinanap ang mga hinubad na kasuotan. Nang ayusin niya ang kama ay nakita niya na may konting dugo ang bedsheet. Doon niya naalala na virgin pa pala si Athena. At hindi siya makapaniwala na nawala iyon sa isip niya.

"Shit!"

Labis ang pagsisisi niya sa mga sandaling iyon, di dahil may nangyari sa pagitan nila ni Athena. Pero sana pinahalagahan niya man lang ang iniingat-ingatan na pagkababae ni Athena. 

Umupo siya sa sulok ng kanyang kama, inaalala niya ngayon kung kamusta na si Athena. Sinubukan niya pang tawagan si Athena paro hindi nito sinasagot ang kanyang mga tawag.

When our Worlds CollideWhere stories live. Discover now