Part 24

58 10 4
                                    

Mag-iisang oras nang naghihintay si Athena kay Ken sa labas ng hotel. Tinatawagan niya si Ken pero di ito sumasagot kaya naisipan niya na lang bumalik sa kanyang kwarto. Inis na inis siya kay Ken dahil pakiramdam niya parang pinapahirapan siya nito dahil sa pabor na hiningi niya sa binata.

"Gago tong si Ken ah! Pinahintay pa naman ako ng isang oras sa labas! Eh ang lamig lamig don! Walang hiya" kausap ni Athena ang sarili.

Nang makapasok siya sa hotel ay nakita niya si Ken sa restaurant.

"Ay wow! Kaya pala hindi niya ko sinipot! Gagong to ah! Mapuntahan nga!"

Nang lapitan niya sana ito ay nakita niyang may kasama itong babae. Natigilan si Athena dahil pamilyar ang mukha ng kasama ni Ken, naalala niya na ito ang babaeng kasama ni Ken sa kotse sa coffeshop. 

Hindi niya na lang tinuloy ang pag lapit kay Ken, kundi bumalik na lang siya sa kwarto nila.


----


"Hoy, babae, saan ka ba nanggaling?" tanong ni Gino

"Hoy akla, sa labas lang po!" may diin ang pag sabi ni Athena

Wala siya ngayon sa mood dahil naiinis siya kay Ken

"Psst, anong nangyari sayo?" tanong ni Lucy

"Gago kasi tong si Ken eh, hindi sumipot sa usapan namin."

Nagulat ang dalawang kaibigan ni Athena. Alam nilang may lihim na pagtitinginan ang dalawa pero hindi nila inaasahang nagkikita na ang dalawa.

Hindi nakapagsalita agad si Lucy, napansin din agad ni Athena na mali ang mga sa=litang ginamit niya. 

"Hoy, huwag kayong magisip ng kung ano-ano. Magpapasama lang siguro iyon. Tsaka magkakaibigan naman tayong lahat na dito."

"Kung magkaibigan tayong lahat dito, eh ba't hindi siya nagpapasama sa amin? tanong ni Lucy

"O to the M to the G Beshy! Baka gusto ka ni Ken?" sigaw ni Gino

"SShhh baka may makarinig sayo, sabihan pa tayong feelingera." saway ni Athena

"Teka, baka tyoe ka nga niya Athena?" tanong ni Athena

"Anong type? Eh may ka date nga iyon sa baba. Naalala mo ang babaeng lumabas sa sasakyan niya? Yun ang kasama niya ngayon." Naiinis na sabi ni Athena

"Eh bakit parang galit ka?" tanong ni Gino

"Kung ikaw kaya pinahintay ng matagal sa labas ng hotel, matutuwa ka pa ba? Ah basta ewan ko!" sabi ni Athena

Pangiti-ngiti naman ang mga kaibigan niya. Mukhang kinikilig pa ang mga ito.


------


Nakahiga na si Athena at nag so-scroll siya sa instagram ng tumawag si Ken sa kanya. Sa sobrang inis niya sa binata ay kinansel niya ang tawag. Ilang beses pang nag dial si Ken at kina-cancel pa rin ni Athena ang mga ito.

Biglang nag text si Ken

{Sasagutin mo o hindi kita sasamahan kay Jeff?}

"Ang gagong to, ginawa pa namang pang blackmail ang hiningi kong pabor." bulong ni Athena sa sarili

"Bakit ba?" naiinis na tanong ni Athena

"Galit ka ba?" tanong ni Ken

"Ang tagal kaya ng hinintay ko dun, nanginginig na ko sa lamig tapos nandoon ka lang pala sa resto pa date2x." sabi ni Athena

When our Worlds CollideWhere stories live. Discover now