Part 45

130 10 8
                                    

"Pinapatawag niyo po ako maam?" Tanong ni Athena sa boss niya

"Ah, yes Athena. Have a seat."

Umupo si Athena sa upuan sa tapat ng mesa ng kanyang boss. At naghintay kung ano ang sasabihin nito.

"Actually,  you are requested by a client to handle his promotions. The only reason kasi, why he chose our company, is because of you daw."

"Uhm, sino daw ho?" Tanong ni Athena

Although she has an idea who that person might be pero kinailangan niya lang tanungin.

"Well, the fast rising star, Angelo Peña."

Hindi naman nagulat si Athena dahil iyon ang napagusapan nila noong nakaraang linggo. Hindi niya lang inasahan na ganoon kabilis ang pag hire sa company nila.

"This one is a special project Thena. Rush kasi halos lahat dahil malapit ng ilabas ang pelikula niya."

"Ok po. So what do I need to do?" Tanong ni Athena

"Since it's a small project, you can handle it alone. Pero yun nga lang, marami lang promotions here and there. Same pa rin just like any other movie promotions that we did, but double time lang lahat."

"Pero maam, baka di kayanin?"

"That's why ikaw ang pinili ko to handle the job, aside sa ikaw mismo ang pinili ni client. I trust that you can handle it well."

"Pero -"

"No buts. I know you can do this. And besides, malaking dagdag to para sa promotion mo."

"Y-yes maam."

Wala nang magawa si Athena.

Lumabas siya ng opisina nang matamlay at mabigat ang dibdib. Isa lang ang ibig sabihin nito, magiging busy siya ngayon at sigurado siyang tutol ang nobyo sa gagawin niya ngayon.

Noong isang gabi lang nila pinagawayan si Angelo Peña at malamang isa iyon sa napakaraming away na mangyayari.

---------

"Ba't di mo siya tawagan ngayon? Sabihin mo sa kanya." Sabi ni Gino

"Yung nga ang iniisip ko pero baka lumala lang ang away pag nasa telepono kami nag usap." Pag aalala ni Athena

"Kung ako sa'yo sasabihin ko ng personal." Sabi ni Lucy

Naroon sila ngayon sa isang coffee shop na malapit lang sa opisina nila.  Pinoproblema ngayon ni Athena ang paghahandle niya sa baguhang artista. Nag aalala siya na baka pag-awayan nilang mag nobyo ang kanyang magiging trabaho. Ngunit importante kay Athena ang trabahong ito para ma promote siya kaya labis na lang ang pagaalala ng dalaga.

------

Nakabalik na silang tatlo sa opisina at nagpatuloy na sa kani-kanilang mga trabaho. Hindi nagtagal ay pinatawag si Athena sa conference room para makipag meeting kay Angelo Peña. Kasama nito ang kanyang manager na matagal na din sa industriya.

Habang nagliligpit ng mga papeles ay tumawag ang nobyong si Ken. 

{ Hi Love!} Bati ng nobyo

{Hello Love! sorry ha, may meeting kasi ako ngayon sa isang client. Tawagan na lang kita after?}

{Ganun ba? Sino ba ang client mo?}

Athena was stunned for a second. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin kay Ken ngayon. Kaya gumawa na lang siya ng rason para maiwasan na pagusapan ito.

{Aah, Love, kailangan ko nang umalis. Tawag na lang ako mamaya ha.OK? Bye Love you!}

{Love teka! }

At binaba na ni Athena ang telepono.

When our Worlds CollideWhere stories live. Discover now