Part 20

48 7 1
                                    

"8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1!" sigaw ni Stell habang nag pa practice ang grupo.

"Perfect!"

Habang nag pa practice ay napansin ni Ken na naroon na si Athena nanonood sa kanila. Nakaupo lang ito malapit sa technical area. 

Habang nagbe - break sila ay pinuntahan siya ni Ken.

Tumayo lang si Ken sa tabi niya na parang may kutob na sa nangyari. Alam ni Ken ang tungkol sa pamilya ni Athena dahil narinig niya ito dati at napag-usapan  din nila ito.

Ngumiti lang si Athena at yumuko nagpapanggap na okay ang lahat. Tumabi naman agad si Ken sa kanya

"Anong nangyari?" tanong ni Ken

"Wala naman. Bakit? sabi ni Athena

"Akala ko kasi bukas ka pa uuwi." 

"Na-miss kita eh." biro ni Athena

Alam naman ni Ken na biro iyon. Pero sa isip-isip niya ay sana totoo nga ang sinabi ni Athena. Hindi na rin siya nagpumilit pa na kwentuhan ni Athena, sa halip, nanatili lang siya sa tabi nito.

Maya-maya pa ay nagsalita na rin si Athena

"Ken?"

"Hmmm."

"May pagkakataon bang naramdaman mo na hindi ka mahal ng pamilya mo?" tanong ni Athena

Napaisip si Ken, nang sasagot na sana siya, nagsalita ulit si Athena

"Kung maramdaman mo ba yun, nagagalit ka sa kanila o pinapatawad mo pa rin?"

"Depende sa kasalanan nila. Bakit? Anong nangyari?"

"Nalaman ko kasi na hindi napupunta sa pinapatayo kong bahay ang pera na ipinapadala ko kay mama."

"Ano daw ang rason niya?" tanong ni Ken

"Na kulang daw ang pinapadala kong pera, ganun."

Gustong sabihin ni Ken na magalit si Athena sa pamilya niya pero wala naman siyang karapatan na sabihin iyon. Nanahimik lang siya at nakikinig kay Athena

"Nasaktan kasi ako dahil ilang taon ko ding pinagtrabahuhan yun. Minsan nga di na 'ko kumakain para umabot lang ang pera ko sa susunod na sweldo. Tinitiis ko lang tapos iniisip ko na 'sige lang Athena, balang araw matatapos din yang paghihirap mo'. Kung tutuusin dapat nag-eenjoy nga ako katulad nina Lucy eh. Pero pinipigilan ko talaga dahil magastos."

Hindi na napapansin ni Athena na tumutulo na pala ang mga luha niya habang kiukwento iyon.

"Huwag mo nang isipin iyon. Hayaan mo ang kapatid mo ang bumuhay sa mga anak niya. Paano kasi inii-spoil mo rin masyado." sabi ni Ken

"Sa ganoong paraaan ko lang din kasi mababayaran ang ginawa nilang pagkupkop saakin." sagot ni Athena

"Pero hindi ibig sabihin nun ay wala ka nang ititira sa sarili mo." sabi ni Ken


"Ken! Practice na tayo! Hi Athena! sigaw ni Justin

Kumaway at ngumiti si Athena

Tinatawag na si Ken para sa practice nila. Last na practice na iyon bago sila bumalik ng hotel.

"Sige na, balik ka na dun." sabi ni Athena

Tumayo na si Ken at marahang kinurot ang ilong ni Athena para kahit papaano ay matuwa din ito. At tumakbo na papuntang stage.


-----


Alas diyes na ng gabi, at gising pa rin si Athena habang ang kasama niya sa kwarto ay mahimbing na natutulog. Napagod ang lahat sa concert na ginanap kanina. Matagumpay at Sold out ang concert na iyon ng SB19.

When our Worlds CollideUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum