Part 49

48 6 3
                                    


"Athena, naipadala mo na ba ang designs ng poster natin para sa mall show ni Marie Razy?" tanong ng ka opisina ni Athena sa bago niyang pinagtatrabahuhang kompanya.

"Ay yes maam Sheena, nasend ko na kanina pa. Let me check kung tapos na."

"Ok, then if tapos na, can you pick it up? Pasama ka na lang sa driver then deliver it sa mall. Sila na lang ang bahala magkabit dun."

"Ok po maam." 

"Oh and by the way, after you deliver punta ka sa conference may meeting tayo para sa bago nating client."

"Maam Sheen, baka po ma late ako, baka ho kasi traffic."

"No worries, ok lang."

"Ok po maam."


---------


"Ma'am shortcut lang ko tayo dito para hindi tayo masyadong ma traffic. Ok lang po ba?" tanong ng driver kay Athena

"Ay ok po. Wala hong problema kung saan ho tayo mapabilis. May hinahabol ho kasi akong meeting."

Nadeliver na ni Athena ang mga pina print nilang posters at ngayon ay pabalik na sila ng opisina. Maya-maya pa ay tumawag na ang boss niya sa kanya.

"Maam Sheena?"

"Thena, coming ka na ba?"

"Yes po maam, nakadaan po kami sa shortcut."

"That's good. Well actually, I'm calling because, Didi couldn't handle the account dahil I forgot, tatlo pala ang hina handle niya. Since you were handling clients naman before sa previous company mo, I guess It's time I'll give you an account."

Nagulat si Athena sa sinabi ng boss niya. Ito ang unang pagkakataon na magha-handle siya ng account simula ng pumasok siya sa kumponya.

"Talaga ho maam? Sure ka po?" natatarantang tanong ni Athena

"Bakit? Hindi mo ba kaya?" 

"Kayang-kaya ho maam! Maraming salamat ho! Promise di ko kayo bibiguin!" masayang pahayag ng dalaga

"Siguraduhin mo lang Athena. This is a big account. And I trust you'll handle it well."

"Yes po maam Sheena!"

"Manong, bilisan ho natin ng konti, hahabol po ako sa meeting."


------------


"Good afternoon po mga sir, Welcome to TMZ."

Magla-launch ng isang solo album si Ken. Iba ito sa mga nagdaang album launches niya dahil gagawing mainstream ang nasabing album. Ngayon na mas naging marami pa ang kanyang mga taga hanga, mas kakailanganin niya ang tulong ng isang marketing agency kung saan sila ang gagawa ng lahat para sa artist, Nagkataon na nireccomend ito ni Pablo sa kanya dahil sikat ito ngayon at maraming koneksiyon sa ibang bansa.

"Thank you."

Kasama ni Ken ngayon si Pablo at Stell. Bilang isang CEO na kanilang kompanya ay sinisigurado  din ni Pablo na ang hahawak sa mga ka miyembro niya ay mga magagaling din sa larangan nila.

Pinapasok na sila sa conference room kung saan eme-meet nila ang buong staff na magha-handle kay Ken. Pagpasok sa kwarto, ay naroon na ang lahat ng team maliban lang kay Athena.

"Good afternoon Pablo, Ken, and Stell welcome again to TMZ, we are so honored to be working with you." sabi ni Sheena

"Salamat, salamat."

When our Worlds CollideWhere stories live. Discover now