Part 11

55 7 5
                                    

Ala una na ng madaling araw at hindi pa tapos ang photoshoot ng grupo. Sinamahan sila ni Athena sa location ng shoot pero dala-dala niya pa rin ang trabaho niya doon.  Pagod, gutom at antok ang nararamdaman niya pero iniinda niya lahat iyon para matapos niya ang trabaho.

Lahat ng tao sa studio ay pagod na rin at puyat pero mataas pa rin ang energy dahil pinapasaya silang lahat ni Stell.

Nakapwesto si Athena sa isang sulok, hindi niya napansin na nakatulog na pala siya doon.

Habang hinihintay ni Ken ang mga kasama para sa last set nila ay napansin niya si Athena kaya pinuntahan niya ito at marahang ginising.

"Thena."

"Ken, sorry hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako. May kailangan ka ba?"

Tatayo na sana si Athena nang pinigilan siya ni Ken.

"Wala. Umuwi ka na, anong oras na oh." 

"Naku, ok lang, marami pa kasi akong gagawin."

"Mas hindi mo magagawa mga iyan kung magkasakit ka ulit."

"Pero-"

"Alam mo, may katigasan rin iyang ulo mo. Bahala ka nga diyan." at umalis na rin ito


"Anong problema nun?" 

Hindi malaman ni Athena ang dahilan kung bakit parang nagalit si Ken sa kanya. Sa katunayan nga ay hindi niya ito mabasa. May mga pagkakataon kasing okay naman si Ken sa kanya pero kadalasan ay masungit ito. Nagtataka lang siya dahil parati naman siyang tinutulungan ni Ken pero parati din siyang sinusungitan.

"Hay naku! Makabalik na nga lang sa trabaho." tanging nasabi ni Athena


-----


Halos sabay natapos ang trabaho ni Athena sa photoshoot ng grupo.

"Bye guys! Ingat kayo!" sigaw ni Athena sa grupo.

"Bye Athena, maraming salamat! Inay ka sa pag-uwi!" sabay nilang sigaw habang palabas na ng studio

"Thena, sabay ka na lang saakin." sabi ni Josh

"Huwag na, may tatapusin pa kasi ako dito." sagot ni athena

"Hintayin kita."

"SHoo! Alis na, bilis! Kailangan niyo pang magpahinga! haha! Masayang sabi ni Athena kay Josh

"Naku! Uuwi na nga lang, Nagjkukulitan pa!" biro ni Stell

Hindi nasiyahan si Ken sa birong iyon ni Stell pero hindi niya naman dinibdib iyon. Lately kasi, hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman patungo kay Athena. Hindi niya rin maintindihan bakit apektado siya pag si Athena na ang pinaguusapan. 


Nagpaiwan pa ng konti si Athena dahil may mga instructions lang siya sa photographer at team nito. Matapos nun ay umuwi na rin siya.

2:30 na ng umaga at pauwi pa lang si Athena. Iniisip niya kung mag-aabsent ba siya bukas kaso naisip niya na sayang ang sasahurin niya sa araw na iyon.


----


"Ken, convoy na lang tayo." sabi ni Justin

"Mauna na kayo may naiwan pa kasi ako sa loob." sagot ni Ken

"Hintayin ka na lang namin." 

"Huwag na. Baka matagalan pa ko. Anong oras na oh! Pahinga na kayo."

When our Worlds CollideWhere stories live. Discover now