Part 16

53 8 2
                                    

Nakarating na rin ang lahat sa bahay nina Gino.

Hindi naman ganoon kalaki ang bahay nila pero napakaganda nito at merong malawak na lawn. Bahay ito ng parents ni Gino pero sa States na sila tumitira. Naiwan ang bahay sa kanya at sa kapatid niya. Sa gilid ng bahay ay merong gazeebo kung saan sila kakain. Nakahanda na iyon bago pa man dumating sina Gino dahil pinahanda niya na iyon sa mga kasambahay niya. Naroon na rin ang karaoke na gagamitin nila mamaya.

Dumerecho si Athena sa kusina habang sina Lucy at Gino naman ay ini-entertain ang grupo, napansin ni Ken na kailangan niya ng tulong kaya nilapitan niya ito at sinamahan papuntang kusina.

"Tulungan na kita" sabi ni Ken sabay kuha ng mga dala ni Athena

"Salamat"

"Saan ko to ilalagay?" tanong ni Ken 

"Diyan lang sa mesa, thank you."

"May maitutulong pa ba ko?" tanong ni Ken

"Wala na, balik ka na doon sa kanila. Ok lang ako dito."

"Sure ka?"

"Yup, tsaka andito naman si ate Mari" ang tinutukoy ni Athena ay ang kasambahay ni Gino

Parati sina Athena at Lucy sa bahay ni Gino kaya alam na alam na ni Athena ang pasikot-sikot sa kusina. 

"Ang sarap mo sigurong magluto dahil ikaw ang incharge sa pagluluto."

"Actually, ako lang ang nagluluto sa aming tatlo. Kaya kung pangit man ang lasa, they have to deal with it kesa sa magutom kami. Haha." sagot ni Athena

"Talaga?" masayang tinanong ni Ken

"Oo. Kaya pag may lakad kami o kailangang magluto, automatic saakin na ang task na yon." sabi ni Athena

"Tulungan na kita." alok ni Ken

"Mahilig ka bang magluto?" tanong ni Athena

"Hindi eh, katulad ng mga kaibigan mo, taga-kain rin ako. Si Stell at Pablo ang mahilig magluto saamin."

"Hahaha ganun ba?"

Nagpatuloy lang si Athena sa paghahanda ng lulutuin nila mamaya. Plano kasi nilang tatlo na mag barbecue night ngayong gabi. 

"Ano ba ang lulutuin mo?" tanong ni Ken

"Mag gi-grill tayo sa labas ng mga karne, tapos yung lulutuin ko na lang is yung chopsuey at  yung dessert natin na buko salad. Si ate Mari na ang magsasaing." sagot ni Athena

"Ate Mari? Pwede niyo ho bang ilabas na ang pang salad natin? Salamat po"



Maya-maya pa ay dumating si Lucy para kumuha ng mga gagamitin nila mamaya. Hinahanda nila ngayon ni Gino ang mesa sa gazeebo.

"Thena! Tapos ka na ba dya-"

"Ay hi naman sa inyong dalawa." bati ni Lucy kina Athena at Ken

Lumapit si Lucy kay Athena at pasimple niya itong siniko. Alam ni Athena kung para saan iyon, dinedma lang ito ni Athena.

"Lalabas na rin kami. Tinulungan lang ako dito ni Ken dahil ang mga kaibigan ko ay iniwan ako dito sa kusina." biro ni Athena

"Ay sis, walang kwenta yang mga kaibigan mo. Imagine iniwan ka lang nila dito sa kusina kasama ang isang Ken Suson ng SB19. Tsk tsk tsk! Ang ba-bad nila" biro din ni Lucy

Ngumiti si Ken na parang kinilig dahil sa sinabi ni Lucy. Binawi niya rin agad ito.

"Hooy! Ano yang pinagsasabi mo? Wala kaming ginagawa dito!" sabi ni Athena

When our Worlds CollideWhere stories live. Discover now