Part 53

78 11 9
                                    

"What?!" Mahinang sigaw ni Athena

Ken dragged Athena into a corner

"Pwede bang hinaan mo lang ang boses mo, baka ano sabihin ng mga tao dito." saway ni Ken

"Talagang may sasabihin sila dahil makikita nila tayong magkasama sa iisang kwarto! Ano ba ang sabi niya? Wala na ba talagang extra room? O baka naman may mag che-checkout mamaya." sambit ni Athena

"Wala nga." 

"Sure?" panigurado ni Athena

"Kung meron, eh di sana kinuha ko ang dalawa." Ken answered calmly

Athena massaged her temples in frustration. Hindi siya mapakali dahil ayaw niyang magsama sila ni Ken sa iisang kwarto. Para sa kanya, hindi tama na magsama ang mag ex lalong lalo na ngayon na may bumabalik na damdamin. Ngunit iisa lang talaga ang bakante noon gabing iyon kaya wala siyang magagawa. Patuloy si Athena sa kakaisip ng ibang solusyon pero wala na yata siyang maisip.

"As if hindi tayo magkatabi kagabi." bulong ni Ken

"What did you say?" tanong ni Athena

"Ang sabi ko po, parang di tayo magkatabi kagabi. And besides Athena, anong bago dun? Nagkatabi naman tayo dati ah, gabi-gabi pa nga halos-"

"Iba yun, Ok? Tayo pa yun. Hindi na yun pwede ngayon." hindi na pinatapos ni Athena si Ken. Ayaw niyang makarinig ng kung ano-ano pa.

Ken held her shoulders and lowered his face to talk to Athena

"Sige na Athena, just for tonight. Kailangan ko lang talagang magpahinga." Ken said in a reassuring voice

Athena had no choice but to cooperate. He then took her bag and carried it to their room. Kahit kailan gentle man talaga si Ken, hindi talaga ito nagbago kahit gaano na siya kasikat ngayon.

When they entered the room, there was literally one bed, no couch, no anything. Nagkatinginan silang dalawa as if figuring out what to do with it.

Damn it. Walang man lang kahot sofa. Bulong ni Athena sa sarili

"So?" Ken waiting for Athena's approval

Athena scanned the room.Hindi kalakihan ang silid, may maliit na kama sa gitna na sa tingin niya parang isang tao lang ang kasya, dalawa kung magkasintahan ang hihiga. May maliit na dining area sa isang kanto. Ang CR naman ay maliit din. Pagpasok mo ay literal na shower area kaagad. 

"I don't know," Athena answered 

"C'mmon Thena, wala namang masama sa gagawin natin. Matutulog lang tayo, that's it."

"Ayoko ko lang na may masabi ang mga ta-"

"Wala silang sasabihin, ok?"

Athena nodded and somewhat agreed to the idea. Ayaw niya nga ba tumabi kay Ken dahil baka may masabi ang ibang tao? O natatakot siyang tuluyan nag mahulog ulit sa binata. Naiinis siya sa sarili dahil nakakalimutan na yata nito ang ginawa ni Ken sa kanya. Na para bang sa kada oras na magkasama sila ay unti-unti bumabalik ang damdaming matagal niya nang binaon. 

Ken tried to make the situation a little bit lighter by inviting Athena to eat. 

"Tara, kain muna tayo bago magpahinga. May nakita akong maliit na diner sa baba. Gusto mo bang kumain doon?"

"Ok. Gutom naman na ko eh."

"Haha I know."

"Huh? Paano mo nalaman?" tanong ni Athena

"Ewan ko, I just know."

"Weeh?" 

"Nakakalimutan mo yata na girlfriend kita dati."

When our Worlds CollideDonde viven las historias. Descúbrelo ahora