Part 52

70 7 7
                                    


Nag-eempake na si Athena dahil aalis na sila mga bandang ala una ng hapon. Kailangan nilang makaalis na dahil may hahabulin pa si Athena na deadline. 

"Athena!" tawag ni Ken

"Oh?"

"May nakita akong lake banda doon at nakausap ko na rin ang may-ari ng bangka kung pwede kong hiramin ang bangka niya." excited na sabi ni Ken

"Ganun ba?" tanong nio Athena

"Tara!" anyaya ni Ken

"Ha!? Ayoko Ken, baka mapano tayo dun?"

"Sige na Thena! Try lang. Safe naman dun may mga tao naman na naroon."

"Ang lamig kaya." sabi ni Athena

"Mag jacket ka lang. Sige na. Please?" nagpupumilit si Ken hinawakan ang mga kamay ni Athena

"Sige na nga. Basta sandali lang ha."


Ang sandali ay nagtagal ng ilang oras sa lawa. Maliit lang ang bangkang sinakyan nila at hindi nagtagal naisipan ni Athena na umahon na para makauwi na rin sila.

"Ken, kailangan na nating umuwi baka anong oras na tayo makarating sa Manila."

"Oo, eto pabalik na." sabi ni Ken

Ken was rowing the boat while Athena sat across from him. They would talk about random things and their respective lives recently. May pagkakataon na magjo-joke si Ken kay Athena at tatawa silang dalawa. 

Habang masayang tumatawa si Athena ay natigilan si Ken at biglang nawala ang mga ngiti sa kanyang mga labi. Bigla niyang na-miss ang mga ngiti at tawa ng dalaga.Biglang bumuhos lahat ng alaala nilang dalawa. Lahat ng masasaya at malulungkot na nangyari sa kanilang pagsasama. Napansin iyon ni Athena at tinanong si Ken kung ano ang problema.

"Ken, may problema ba?" tanong ni Athena

Sumeryoso ang mukha ni Ken.

"Wala. Naisip ko lang, naging masaya ka ba noong tayo pa?"

"Parang sira 'to!"

"Hindi, seryoso ako." sabi ni Ken

Ilang sandaling tahimik si Athena,

"Oo naman. Masayang masaya." Athena confidently answered. And this time, her smile faded away sensing Ken's change of emotion

Kung masaya ka, ba't mo 'ko niloko Athena?

Tahimik lang si Ken na para bang may iniisip. Hindi naman alam ni Athena ang gagawin o sasabihin dahil hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng binata.

"Ken?"

"AH! Haha! Buti naman kung ganon!" Ken tried to regain his composure. 

Athena tried to smile and decided to ask Ken the same question.

"Ikaw?" tanong ni Athena

"Ako?"

"Oo, naging masaya ka ba saakin dati?" tanong ni Athena

Hindi na nakasagot si Ken dahil sinusubukan niyang ibalik ang bangka sa kawayang pantalan sa gilid ng lawa. Umaambon na sa mga sandaling iyon. Mejo nahihirapan si Ken na idaong ang bangka dahil hindi naman siya ganoon kagaling mamangka.

Athena waited for Ken's answer but he was too busy docking the boat. Naisip niyang baka ayaw sagutin ni Ken ang tanong niya dahil masasaktan lang siya. Suppresed feelings kept rushing out of her. Parang bumalik lahat ng sakit na naramdaman niya dati noong iniwan siya ni Ken sa parking lot ng hotel.

When our Worlds CollideNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ