Part 29

62 10 3
                                    

Malapit ng matapos ang concert ng lumabas sina Athena para manood. Sa wakas ay natapos na rin ang trabaho nila sa araw na iyon. 

Doon sila pumwesto sa harapan kung nasaan naroon ang ibang mga staff. Hangang hanga sila sa grupo na kumakanta ngayon ng Liham. Matapos nilang kantahin iyon ay walang humpay na hiyawan ang pumupuno sa bulwagan. Maya-maya pa ay maririnig ang mga fans na sumisigaw ng Tilaluha. Nagre-request sila sa grupo na kantahin ang kantang Tilaluha. At dahil may oras pang natitira ay pinagbigyan nila ang mga ito.

Nag umpisa nang kumanta sina Ken ng TIlaluha na ni-request ng mga fans nila. At dahil kanta iyon para sa heartbroken ay naisip ni Ken si Athena. Habang kumakanta ay nakita niya si Athena na nanonood sa harapan kaya pasimple niyang tinuro ito. Nakita naman iyon ni Athena na tahimik lang na nanonood kasama sina Lucy at Gino.

"Mali ba na ako'y umaasa, tama ba'ng nadarama para sa'yo sinta. Bakit nga ba bakit nga ba. Bakit nga ba mahal kita. Kung sa puso mo ay mayroon nang iba"

Ramdam na ramdam ni Athena ang lyrics ng kanta at tagos iyon sa puso niya. Pumapasok sa isip niya si Jeff. Nag flashback lahat ng mga masasaya at malulungkot na memories nilang dalawa. Naluluha si Athena habang nakikinig sa grupo. Mas lalo siyang naluha nang makita niya si Ken na tumitingin sa kanya na para bang dinadamayan siya sa pighati na nararamdaman noya ngayon.

Hindi na kayang manood ni Athena kaya tumayo siya at dali-daling umalis. Hindi niya gustong makita siya ng mga kaibigan niya na umiiyak.

Habang kumakanta ay nakita ni Ken si Athena na umalis. Wala naman siyang magawa dahil nasa kalagitnaan sila ng concert.  Nagtaka naman ang mga kaibigan ni Athena kung bakit bigla na lang ito umalis. Akala nila ay pumunta lang ito sa CR.

Nang matapos na ang concert ay hindi pa rin makita nina Lucy ang kaibigang si Athena kaya nagtanong-tanong sila sa mga kasamahan nila kung nakita nila ang dalaga. Pumasok sila sa dressing room ng SB19, tinanong nila ang mga taon doon kung nakita ba nila si Athena. Nang marinig iyon ni Ken ay bigla siyang tumayo at lumapit kina Lucy.

"Hindi niyo mahanap si Athena?" tanong ni Ken

"Hindi eh, akala namin kanina pumunta lang siya sa CR, ayun hindi na bumalik." sabi ni Gino

"Baka nasa hotel, baka masama lang ang pakiramdam." sabi ni Josh

"Kaya nga eh. Check ko na lang mamaya. Hindi niya kasi sinasagot mga tawag namin." sabi ni Lucy

"Pag bumalik tayo ng hotel, sabihan mo ko kaagad kung wala siya doon.Ok?" sabi ni Ken

-----

Tinatawagan nina Lucy at Gino si Athena pero di pa rin nito sinasagot ang mga tawag. Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto ng kwarto nila. Pagbukas ni Gino ng pinto ay naroon si Ken, na mukhang nagaalala.

"Nacontact niyo na?" tanong ni Ken

"Hindi pa nga eh, ewan ko nga sa babaeng yon. Kahit mag text lang sana. Nagaalala na kami baka napano na yun."

Ilang sandali lang ay nakatanggap si Lucy ng text galing kay Athena.

"Eto nag text na siya!"

[Ok lmg akp. Uwi na db ako maya2.] text ni Athena

"Ay lasing to!" sabi ni Lucy

"Patingin nga." sabi ni Gino, kinuha ang cellphone sa kamay ni Lucy at binasa ang text.

"Oh pauwi naman pala siya. Pero baka di makauwi yon. Mukhang lasing na eh." dagdag ni Gino

"Malamang! Eh hindi na nga makapag type ng maayos."sabi ni Lucy

"Alis muna ako, hanapin ko lang siya." paalam ni Ken

"Samahan ka na namin." sabay sabi ni na Lucy at Gino

"Huwag na. Dito na lang kayo para nandito kayo sakaling makabalik siya. Tawagan niyo ko if umuwi na siya." sabi ni Ken

"Ok, maraming salamat Ken ha."

Tumango lang si Ken at umalis na rin agad.

-----

Bumaba si Ken sa lobby at nagtanong sa front desk kung saan ang mga pinakamalapit na bar sa lugar. Tinuro din sa kanya kung saan ang mga ito. Hindi na nag-aksaya si Ken ng panahon. Dali-dali itong lumabas at tumungo sa lugar kung saan makikita ang mga bars at restaurants.

Inisa-isa niya ang mga iyon. Sa ika apat na bar na pinuntahan niya ay nakita niya sa wakas si Athena na nakaupo malapit sa sulok na may malaking bintana kung saan makikita ang view ng lugar.

Kanina habang naghahanap ay inaalala niya na baka pumasok ito sa isang bar at baka kung mapano. Pero gumaan ang loob niya nang makita si Athena sa isang tahimik na pub na walang masyadong tao. Napagtanto ng binata na baka gusto lang ni Athena na makapagisip-isip.

Lumakad siya papunta sa kinaroroonan ni Athena at tumayo sa likod ng dalaga. 

"Kailangan mo ba ng kasama?" 

Hindi sumagot si Athena. Kaya umupo si Ken sa tapat niya. Nang makita ni Athena na umupo si Ken sa tapat niya ay pinahiran niya agad ang kanyang mga luha.

"Kailangan mo ba ng kausap? tanong ulit ni Ken

Hindi pa rin sumagot ang dalaga. Hinayaan lang siya ni Ken, hinhintay kung kelan magsasalita. 

Habang hinihintay niya si Athena na magsalita ay tinawag niya ang waiter at sumenyas na  umorder ng isang round pa ng iniinom ni Athena pra sa kanilang dalawa. Nagtext na rin siya kay Lucy na huwag nang mag-alala dahil kasama niya na ngayon si Athena.

Nang dumating na ang inumin nilang dalawa ay tinanong ulit ni Ken si Athena.

"Bakit di mo sinasagot mga tawag ng mga kaibigan mo? Kanina pa sila nag-aalala sa iyo." sabi ni Ken

Athena's gaze turned to Ken and said

"Nag text naman na ako." sagot ni Athena

Hindi pa sila nagusap na dalawa. Hinahayaan niya lang si Athena habang siya ay patuloy sa pag-inom ng inumin niya. Maya-maya pa ay nakita niya si Athena na umiiyak, halos hindi niya marinig ang pag-iyak nito. 

Biglang tumayo si Ken 

"Tama na nga yan."

Athena looked at him. Namamaga na ang mga mata sa kakaiyak. Naawa na siya sa dalaga kaya lumapit siya dito.

"Alam mo, hindi nakakatulong yang ginagawa mo. Tumayo ka na nga diyan." sabi ni Ken habang hinila ang akamy ni Athena at pinatayo niya ito. 

"Teka, magbabayad pa ko." sabi ni Athena

"Ako na." 

Sumenyas si Ken sa waiter para makapag bayad. Nang matapos niya ng bayaran ang inorder nila ay umalis na rin sila agad.

Lumalakad sila ngayon pabalik ng hotel na hindi man lang nag-uusap. Hindi naman ganoon kalayo ang pinuntahan na pub ni Athena. Hindi naman ganoon ka lasing si Athena kaya habang naglalakad silang dalawa ay inaalalayan niya lang ito.

Maya-maya pa ay huminto so Athena sa paglalakad. TUmayo lang siya habang nakayuko.

"Ken?"

"Hmmm"

"Hindi naman ako masamang tao di ba? Parati naman ako nagpapakumbaba at nagbibigay. Kadalasan nga ako pa ang humihingi ng sorry kahit sila ang may kasalanan. Pero bakit ako ngayon ang nasasaktan, bakit ako ngayon ang nahihirapan?

Kulang pa ba ang nagawa ko? Kulang pa ba ang naibigay ko?

Lumapit si Ken kay Athena, inilapit ang kanyang ulo sa dalaga.

"Wala kang kasalanan. Ginawa mo lang ang sa tingin mo ay tama. Hindi mo kailangang ibigay ang mga bagay na hindi ka pa handang ibigay. Tandaan mo yan Athena."

At niyakap niya ng mahigpit si Athena. Tuluyan nang humgulgol ang dalaga sa dibdib ni Ken.

When our Worlds CollideWhere stories live. Discover now