Part 27

70 11 5
                                    

Kararating lang ng buong team sa LA at derecho na lahat sa venue ng concert. Di tulad sa New York na may isang araw pa silang pahinga bago ang concert. Hindi na sila masyadong kinakabahan dahil magkapareho ang ang sequence ng buong tour nila sa America. 

Bago tumungo ang grupo sa dressing room ay nag blocking muna sila sa stage, inayos lahat ng mic at in-ear monitors. Habang sina Athena naman at ang ibang staff ay abala sa ibang bagay.

Katulad ng ibang concerts nila ay matagumpay din ang LA concert ng grupo. Masaya nilang tinapos ang gabi sa bahay ng producer sa LA. Hindi rin sila nagpagabi dahil magpe-perform ang grupo sa isang venue.

Nang matapos na ang maliit na salo-salo ay tumungo na rin ang lahat sa hotel para makapagpahinga. Masaya nilang tinapos lahat ang gabing iyon.


------

"Thena! Sure ka bang hindi ka sasama saamin?" tanong ni Lucy

"Yup dito lang muna ako, bukas na lang ako sasama sa inyo." sagot ni Athena

"Sure ka ha?" panigurado ng mga kaibigan."

"Oo nga, kayo naman parang bata yung trato saakin." biro ni Athena

Ngayon ang araw na pupunta sina Athena at Ken kay Jeff. Hindi masabi sabi ni Athena ito sa mga kaibigan dahil alam niya naman na naiinis sila kay Jeff. At naiintindihan naman iyon ni Athena kaya para makaiwas na lang sa gulo ay itinago niya na lang ito sa mga kaibigan.

She felt guilty for not saying this to her closest friends. Kahit sino naman siguro makokosensya dito kaso walang panahon si Athena ngayon para makipagtalo sa mga kaibigan. Sasabihin niya na lang ito pag tapos na para isang sermon na lang.

Nang masigurado niyang nakaalis na ang mga kaibigan ay tinawagan ni Athena si Ken.

"Ken? May ginagawa ka pa ba?" tanong ni Athena

"Alis ka na?" tanong ni Ken

"Oo sana."

"Ok, magkita na lang tayo sa baba."


"Par, alis muna ako ah." paalam ni Ken kay Pablo

"Saan ka naman pupunta?" tanong ng lider ng grupo

"Pasyal-pasyal lang, bored na 'ko eh." palusot ni Ken

"Sige."


----


Nagkita nga silang dalawa sa parking area ng hotel. Nakahiram si Ken ng sasakyan sa isang kaibigan na taga roon.

Napahanga si Ken hitsura ngayon ni Athena. Halatang nag ayos at pinaghandaan niya talaga ang pagkikita nila ng nobyo.

"Pasok na." sabi ni Ken sabay bukas ng pinto ng sasakyan

"Ken, salamat ha." 

Tumango lang si Ken, pilit na tinatago ang paghanga sa dalaga. Nagkukunwaring walanag pakialam.

Habang nagda-drive papunta sa hospital kung saan nagtatrabaho si Jeff ay may tumawag kay Athena. Nang sasagutin niya na sana ang tawag ay ibinaba rin ito. Nagtaka si Athena pero hindi na niya ito masyadong pinansin. 

Buong byahe ay masaya si Athena, marami silang pinagusapang dalawa at makikita sa mukha ng dalaga ang sabik na makita ang nobyo.

Sa mga sandaling iyon ay mas lalong nahuhulog ang loob ni Ken sa dalaga. Nahuhumaling si Ken sa kanyang mga ngiti lalo na pag sumisingkit ang mga mata ni Athena habang tumatawa.

When our Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon