Part 22

60 9 3
                                    


Bumalik na sila sa opisina at nagpatuloy na sa kanilang trabaho. Fina-finalize ng lahat ang tour ng grupo sa America at Canada. Hindi ramdam ng lahat ang pagod sa kanilang ginagawa dahil nae-excite sila sa nasabing tour. At kasama doon sina Athena na sa mga panahong iyon ay ang pinaka-maraming ginagawa. 

Walang tigil ang mga pumapasok na tawag at email sa team nila pero hindi nila naramdaman iyon dahil walang tigil din ang chismisa at tuksuhan nilang tatlo.

"Thena, papirmahan mo naman to please kay Pablo para maka proceed na tayo." sabi ni Gino

"Ba't di na lang ikaw?" sabi ni Athena

"Bakit ayaw mo? Siguro may iniiwasan ka doon noh?" tukso ni Gino

"Ikaw talaga, dami mong sinasabi, akin na nga yan!" sabi ni Athena

"Thank you sissy! Love you!" lambing ni Gino

"Che!" 


----


Kumatok si Athena bago pumasok sa opisina ng SB19. 

"Pablo, may ipapa-sign sana ako sayo."

"Oh Thena, ano yon?" sabi ni Pablo

Lumapit si Athena at tumayo sa gilid ni Pablo. Ipinaliwanag niya kung para saan ang mga dokumentong pipirmahan niya. 

"Pre! Nasaan sina Ste-"

Nagkatinginan na naman silang dalawa ng ilang segundo pero si Athena na ang umiwas ng tingin. 

"Ano yon pre?" tanong ni Pablo habang pumipirma

"Ah, wala, tatanong ko lang kung saan sina Stell."

"Baka nasa dance studio. May konting changes kasi sa choreo dahil wala tayong dancers doon sa America."

"Sige punta na ko dun." sabi ni Ken

"Thena." sabay tango kay Athena na para bang nagpapaalam na umalis

Ngumiti naman si Athena. 


----


Lumabas na si Ken ng opisina at mabilis siyang naglakad papuntang dance studio. Pero bago pa siya nakarating ay natigilan siya dahil pakiramdam siya ay lumalakas ang tibok ng kanyang puso. Na para bang kinakabahan siya na parang may umiikot sa kanyang tiyan. 

Hindi maalis sa isip niya ang imahe ni Athena. Pilit niyang itinataboy ang iniisip at nararamdaman pero parang wala siyang laban dito.

Doon niya napagtanto na parang nahuhulog na nga siya sa dalaga. 

"Hindi mali to. May boyfriend na yung tao!" sabi ni Ken sa sarili

Lumalakad siya ng pabalik balik sa pinto ng dance studio. Ang pinto ay isang malaking sliding glass door. At kitang-kita siya ng mga tao sa loob.


"Ano ginagawa ni Ken?" tanong ni Justin

"Ewan ko!" sabi ni Josh

"Ay wala na! Nabaliw na!" sabi ni Stell



"What if sabihin ko lang sa kanya para tapos na? Huwag na! Pero what if pareho kami ng nararamdaman? Kanina nagtinginan kami, iba yun eh! Gagi may syota na nga si Athena, anong bang pinagsasabi mo Ken?" kausap ni Ken ang sarili

When our Worlds CollideWhere stories live. Discover now