Part 40

66 10 5
                                    

"Pilipinaaaaaasss! Na miss kita!!!" sigaw ni Lucy

Tawang tawa naman sina Gino at Athena sa kanilang kaibigan. Matagal din silang nadestino sa ibang bansa kaya siguradong nami-miss nilang kumain ng mga pagkaing pinoy.

"Naku beshy, kahit gaano kasarap yung mga nakain natin sa Tate' ay hindi pa rin nila matatalo ang sinigang na baboy ni Aling Martia!" sabi ni Athena

"Speaking of Aling Martia, kain muna tayo doon bago tayo umuwi, siguradong hindi na tayo makakakain mamaya dahil matutulog na tayo." sabi ni Gino

------

Nagkaroon ng pagkakataon si Ken na tawagan si Athena kahit na nasa kalagitnaan sila ng ensayo. Estrikto sina Pablo at Stell pagdating sa pageensayo dahil gusto nila maging perpekto ang bawat performance nila. Hindi na nagsayang ng panahon si Ken, tinawagan niya agad si Athena kahit alam niyang magkaiba ang oras nilang dalawa.

-----‐

Anong oras na pero di pa rin makatulog si Athena. Nag adjust pa ang kanyang katawan sa oras ng Pilipinas. Naka ilang beses na siyang tumayo at uminom ng tubig pero hindi pa rin umuubra ito.

Ilang sandali pa ay tumawag si Ken sa kanya, naglulukso ang puso niya sa galak. The thought of talking to her boyfriend makes her heart overflow with joy.

"Ken?"

"Thena."

"Kamusta ka na? Sorry di na ako nakapagpaalam sa iyo ng maayos Ken, alam kong galit ka pa saakin."

"Sorry di ko alam na uuwi ka na pala."

"Ok lang Ken, naiintindihan ko."

"Thena, tungkol sa pagtatalo natin,-"

"Hihintayin ko kung kailan mo ko mapapatawad Ken. Sorry sa nangyari, kasalanan ko"

"Hindi Thena, may kasalanan din ako, sana pinakinggan kita muna."

"K-ken-"

Sa mga panahong ito ay naiiyak na si Athena sa saya. Sa wakas hindi na galit si Ken sa kanya. Pilit niyang pinipigilan ang luha para di marinig ni Ken ang panginginig ng kanyang boses.

"Sorry Love, I should have known better. Pagod lang siguro ako at maraming iniisip." Sabi ni Ken

"Alam ko, naiintindihan ko. Sorry Ken hindi ko nasabi sa iyo ang pagkikita namin ni Jeff, akala ko lang kasi-"

"Hindi na 'ko galit Love,"

"K-ken"

"Malapit na kaming umuwi, hindi ko pa alam if mag eextend kami."

"Hihintayin kita Ken."

Nais pa sana nilang ipagpatuloy ang kanilang paguusap pero kailangan na ni Ken bumalik sa kanilang rehearsal.

"Ken! Mamaya na yan!" Sigaw ni Stell.

"Love, kailangan ko ng umalis, tatawagan kita mamaya ha. Love you!

"I love you too, Ken."

------------

Ilang araw na ang nakakalipas at hindi pa rin nakapag usap sina Ken at Athena, walang problema iyon kay Athena dahil naiintindihan naman niya ang sitwasyon ng nobyo. Sabik na siyang makasama ang nobyo at namimiss niya rin na magkasama sila palagi.

Sa kasamaang palad, kung ano ang nangyari sa kanila sa Amerika ay hinding hindi na mangyayari sa Pinas, maraming mata ang nakatingin sa grupo lalong-lalo na kay Ken na palaging may hinaharap na issue.

Lingid sa kaalaman ni Athena na pauwi na sina Ken, hindi iyon sinabi ng binata dahil sosorpresahin niya ang nobya.

Plano ni Ken ay dumerecho sa condo ni Athena pagkadating na pagkadating dito sa Pilipinas.

When our Worlds CollideDonde viven las historias. Descúbrelo ahora