Part 14

59 7 2
                                    

Lalabas na sana si Ken ng sasakyan pero pinigilan siya ni Athena

"Saan ka pupunta?"

"Diba dapat magda-drive thru ako. Kaso nag park ako dito kaya papasok na lang ako para bumili ng kape."

"Ako na." sabi ni Athena

"Huwag na diyan ka na lang." sabi ni Ken

"Ken, ako na. Ang daming tao oh baka pagkaguluhan ka pa diyan."

Lumabas na si Athena ng sasakyan para bumili ng kape. Pinapahiran pa niya ang pisngi niya na basang-basa dahil sa mga luha. 

Hindi alam ni Ken kung ano ang meron kay Athena bakit siya humahanga ng ganito. Kakaiyak niya pa lang pero lumabas lang ito ng sasakyan na parang wala lang nangyari. She knows how to get herself back up after a fall. At hindi iyon basta-basta. 

Bumalik na si Athena na dala-dala ang kape nilang dalawa. Sandaling hindi sila nag-usap para enjoyin ang kape nila.

"Teka ba't ba tayo umiinom ng kape? Di ba dapat alak yung iniinom natin dahil heartbroken ako? Hahaha, " sabi ni Athena

"Nagawa mo pang magbiro noh?" sabi ni Ken

"Ay hindi ako nagbibiro. Tara inom tayo!" yaya ni Athena

"Hindi ako umiinom."

"Eh di samahan mo lang ako!"

Ken did not utter a single word. He's the type of person who doesn't like to drink. Pero mapilit si Athena, she even demanded Ken to join her.

"Sige na please."

"Ba't di na lang mga kaibigan mo ang yayain mo?"

"Papagalitan kasi nila ako. Sasabihin nila, 'yan kasi ang tanga tanga mo, Ilang beses na kitang pinagsabihan blah blah blah'. At saka, nandito ka na oh, kaibigan mo naman ako diba?"

Tatawa-tawa lang si Athena pero naluluha na ang kanyang mga mata. Pilit tinatago ang sakit na nararamdaman. 

Ken could not even imagine what she had been going through. This girl doesn't have any luck in her family, in love, or even in life. Sa ikli ng pinagsamahan nila, mukhang may idea na si Ken kung ano ang buhay na meron si Athena. Ang tanging tao na kinakapitan niya, the man who made her hope for a better future, iniwan din siya. She must be going thru a very tough time. Kaya walang magawa si Ken kundi damayan si Athena sa panahong ito.

"Sige na nga!"

"Yay!" Athena scrunched her nose in excitement

"Pasalamat ka cute ka." Bulong ni Ken

"Ha?"

"Wala sabi ko, saan tayo pupunta?" palusot ni Ken

"Uhm, teka hindi ko kasi naisip yan. Hmmm?"

"Paalala lang po ha, hindi ako pwede sa public place."

"Wala akong alam eh!"

"Tara, may alam ako!"

-----

"Wow! Ken, ang ganda naman dito. Perfect pang emote-emote!"

Ken smiled. Despite the hurt that this woman is going through, she still manages to make him smile.

Nakahiram si Ken ng  speedboat sa isang kaibigan. Ken thought it would be best if they were in a speedboat.  Ito lng ang naisip niyang paraan para malayo sa mata ng tao. Ilang metro lang naman ang layo nila sa dalampasigan. 

Umupo si Athena malapit sa dulo ng speedboat at pinagmasdan ang lumulubog na araw habang si Ken naman ay binubuksan ang mga iinumin nila 

"Oh" sabi ni Ken sabay abot kay Athena ang isang bote ng beer habang siya ay umiinom ng juice.

When our Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon