Part 17

90 8 15
                                    

Araw na ng kick off concert nila sa Araneta at lahat ay busing-busy na sa kani kanilang responsibilidad. Habang ang grupo ay nariyan sa backstage, sina Athena naman ay nasa harapan. Sinisigurado nila na maging okay ang lahat mamaya. 

Dino-double check nila lahat ng nasa checklist para masiguradong walang papalya.

Bago magumpisa ang concert ay nagtipon-tipon lahat ng performers, staff, partners at prodcution crew para magdasal. 

"Pagtatag on 3! 1.. 2.. 3.. PAGTATAG!!!" Sigaw ng lahat

Nang mag-umpisa na ang concert ay umupo na sina Athena, Lucy at Gino sa harap. Kasama nila ang mga staff, make up artists at stylists ng SB19. Masasabi nina Athena na proud na proud ang team ng SB19 sa grupo. Ang iba ay maluha luha pa habang pinapanood ang mga alaga nila. Alam kasi nila ang hirap na pinagdaanan ng grupo para marating lang nila ang tagumpay na tinatamasa nila ngayon.

Sold out ang concert at hindi naman nabigla sina Athena dahil sikat na sikat ngayon ang grupo.

Malakas ang hatak nila ngayon lalo na at kinikilala na sila sa iba't ibang sulok ng mundo. Kamangha-manghang tignan ang grupo sa kanilang mga kasuotan. Kung tatanungin si Athena kung bakit sikat ngayon ang grupo, hindi lang dahil magaling silang sumayaw at kumanta, kundi kung paano nila tratuhin ang kanilang mga taga hanga. Binibigay nila ang lahat ng lakas mabigyan lamang ang mga fans ng isang world-class na perfromance.

Hindi na nakatayo sina Athena sa kanilang inuupuan. Ito ang unang concert ng SB19 na napanood niya at alam niya na kung bakit marami ang humanga sa grupo. Masasabi niyang parang ibang tao sila habang nagpe-perform. Ramdam na ramdam ng mga nanonood ang bawat salita ng kanta. 

Sa mga huling bahagi ng concert ay kakanta ang grupo ng LIHAM. Isa itong kanta kung saan nagpapahayag ng damdamin, mga pangako at walang pasubaling na pagmamahal.

Ang kantang LIHAM ay isa sa mga paboritong kanta ni Athena sg SB19. Inaalay niya ang kantang ito sa boyfriend na si Jeff na malayo ngayon sa piling niya. 


Ilang sandali pa ay lumabas na ang grupo sa entablado para sa ikatlong set nila. Tumayo sila sa gitna at nagkaroon ng konting interaksyon sa mga fans. Maya-maya pa ay pumunta na ang grupo sa kani-kanilang pwesto. Si Ken ay nakapwesto sa harap mismo ni Athena pero hindi niya pa ito napansin dahil nagse-cellphone pa ito. 

Nang tumingala na si Athena ay naroon si Ken sa harap niya. Bigla lang siyang natulala at napahanga kay Ken. Para siyang anghel sa puti nitong suot, dumagdag pa ang spotlight na nakatutok kay Ken na mas lalong binigyang diin ang kagwapuhan nito. 

Napatingin si Ken sa kanya at nagkasalubong ang kanilnag mga mata. Ngumiti at kumaway si Athena at nag thumbs up pa. Gusto niyang malaman ni Ken na proud silang lahat sa kanya. 

Nang magumpisa na silang kumanta ay ramdam na ramdam ni Athena ang bawat salita. Biglang tumibok ang dibdib ni Athena hindi niya pa nararanasan ang ganitong pakiramdam. Hindi makuha ni Athena ang tingin niya kay Ken, ganun din ang isa. It felt like the world around them disappeared. Lahat ng tiliian at ingay sa loob ng bulwagan ay parang  tumahimik. 


-----


Habang nagsasalita ang pinuno nila sa entablado ay nakita ni Ken si Athena na nakaupo sa harap ng stage. Saya at kaba ang naramdaman niya nang napagtanto niyang manonood si Athena sa kanila. Nang matapos na silang kumausap sa fans ay pumunta na sila sa kani-kanilang pwesto. 

Habang naghihintay si Ken na mag-umpisa ang kanta ay nagkasalubong ang mga mata nila ni Athena. Parang kinakabahan siya pero nang makita niya ang ngiti at kaway ni Athena ay parang kumalma si Ken. Hanggang sa kumanta na siya, pasulyap-sulyap pa rin si Ken kay Athena. 

Sa huling bahagi ng kanta kung saan kinakanta na ni Ken ang kanyang linya ay sa kay Athena lang siya tumitingin. Hindi niya alam kung bakit pero sa mga panahong iyon ay nananaig ang kanyang damdamin.

Liham sa pag-ibig ko
Pinapangako na ang bituin ko ay para lang sa'yo
Ikaw lang ang himpilan ng aking puso
Maging sa hinaharap o nakaraaan ikaw lang at ako
Oh aking mundo woah yeah
Ligaya ng aking mundo.

Pakiramdam nilang dalawa ay sila lang ang naroon sa mga panahong iyon. At pareho din silang naguguluhan sa kanilang nararamdaman.

Naluluha si Athena habang pinapanood si Ken. Hindi niya alam kung bakit. Buong akala niya kanina ay umiiyak siya dahil ramdam niya ang kantang yon na para kay Jeff pero parang naguguluhan na siya ngayon dahil sa buong kantang iyon ay hindi sumagi sa isip niya si Jeff kundi si Ken. Naalala niya ang mga panahong naguusap sila sa sasakyan, magkasamang kumakain, ang una  nilang pagkikita at yung panahon na naroon sila sa speedboat.

Ano ba to'ng nararamdaman ko? Nahuhulog na ba ang loob ko kay Ken? Pero paano? 

"Sis okay ka lang?" tanong ni Lucy nang mapansin niyang umiiyak si Athena.

"Ok lang."

"Naalala mo naman si Jeff noh?" tanong ng kaibigan

Gusto man niyang sabihin na oo pero hindi iyon ang nararamdaman ni Athena kaya ngumiti lang ito, tumayo at umalis.

"CR lang ako." palusot ni Athena

Nagagalit si Athena sa sarili niya ngayon. Mahal niya ang nobyo pero parang may nararamdaman na rin siya para kay Ken. Hindi niya gustong lokohin ang nobyo. Importante para sa kanya ang tiwalang ibinigay ni Jeff sa kanya. 

Lumabas siya sa parking lot at doon inilabas ang sama ng loob.

"Putangina naman Athena! Tumino ka nga! Nandito ka para magtrabaho hindi para lumandi! At sa kay Ken pa talaga? Okay ka lang?! Sikat yon! Empleyado ka lang! Huwag kang ano diyan!" sabi ni Athena sa sarili

Athena cupped her face and massaged her neck. Inilabas niya ang vape at doon na muna siya nanatili hanggang kumalma.


---


Nang matapos ang kanta ay nakita ni Ken na umiiyak si Athena. Ilang sandali pa ay tumayo ito at umalis. Napaisip siya na baka umiiyak iyon dahil naalala niya ang nobyo na nasa LA. Nakaramdam si Ken ng konting kurot sa kanyang puso pero hindi niya na pinansin iyon.


-----


"Congratulations guys! Next Stop Davao, then Bacolod, and then... America at Canada! Woohoo!" Sigaw ni Pablo sa backstage

Natapos na ang concert at nageempake na lahat para makauwi. Pero hinahanap ni Ken si Athena. Nakita niya si Lucy na papuntang Dressing Room.

"Lucy, nakita mo ba si Athena?" tanong ni Ken

"Hindi pa nga eh. Tinatawagan ko siya pero di niya sinasagot. Malamang nagva-vape iyon."

"Ganun ba?"

"Yup! Hoy congrats sa inyo! Ang galing galing niyo kanina!" sabi ni Lucy

"Thanks, thanks!"


Nagmamadali nang umuwi ang lahat, unti unti na rin nagsi-alisan ang mga tao.

"Ken, una na kami ha!" sabi ni Justin

"Ah oo! Kunin ko lang ang mgagamit ko, uuwi na rin ako kaagad."

"Sige ingat!" sabi ni Josh


Nawawalan na ng pagasa si Ken na makita at makausap si Athena. Gusto niya sanang kausapin it para siguraduhin kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sa babae. 

Naisip niya na baka umuwi na si Athena kaya lumabas na lang siya at sumakay na sa sasakyan niya. 

Hindi pa siya nakakalayo ay nakita niya si Athena na umuupo sa isang bato sasulok ng parking lot na nagva-vape.

"Athena!"



When our Worlds CollideWhere stories live. Discover now