Part 8

52 6 2
                                    

Katatapos lang nilang mag paractice ng mga choreo nila para sa araw na iyon. Alas tres na ng hapon at naisipan nilang mag meryenda muna. 

Habang kumakain ay hinanap ni Josh sina Athena

"Ba't wala ngayon sina Athena at Lucy?" tanong ni Josh kay Gino

"May sakit ho si Athena ngayon. Si Lucy naman ho ay pumunta ng City hall"

"Ah, okay lang ba si Athena?" tanong ni Josh

"Opo, bukas papasok na ho yun."

Tumango lang si Josh at dumerecho na kung nasaan sina Ken.

"Bat mo hinahanap si Athena dre?" tanong ni Ken kay Josh

"Wala, nagtaka lang ako kasi kanina ko pa sila hindi nakikita dito sa opisina." sagot ni Josh

"May boyfriend na yun!" sabi ni Ken

"Alam ko, naikwento niya saakin. Tsaka hindi lang naman si Athena ang hinahanap ko eh"

Hindi maintindihan ni Josh kung bakit nasabi yon ni Ken. Hindi niya na lang iyon pinansin at nagpatuloy lang ito sa ginagawa niya.


------


Ilang araw ng hindi nagtatrabaho si Athena. Friday nung nag-absent siya at ngayong araw ng Lunes. Sabado at Linggo ay wala silang trabaho. Kaya may apat na araw siyang pahinga.

[phone ringing]

"Hi sis!" bati ni Athena kay Lucy

"Sister!Kkamusta ka na, ok na ba ang pakiramdam mo."

"Ok naman ako sis, bukas magtatrabaho na rin ako."

"Oh sige, may kailangan ka ba? 

"Wala na, ok lang ako. Tsaka sis, ikaw na lang muna mag-usap kay Pablo regarding sa America at Canada Tour para makapagbook na tayo ng flight at hotel. Tsaka finalize na natin ang Press Con. After kasi nun, non-stop na ang mga ganap."

"Kaya nga eh. Sige kausapin ko mamaya."


-------


Ngayon ang araw ng Press conference ng grupo at lahat ay busy sa kani-kanilang trabaho. Maaga pa ang SB19 pumasok at binisita nila ang venue at nagpractice na rin. Bumilib si Athena sa dedikasyong ng grupo. Alam nila ang gusto nila at walang makakapigil sa kanila. 

Dun na nagpalipas ng oras ang grupo sa isang kwarto na ginawang dressing room. Lahat ng wardrobe at make-up artists ay naroon sa loob. Hindi na pumasok sina Athena dahil baka makadistorbo lang siya sa mga tao doon. Papasaok lang ito kung may kailangan sa mga miyembro.

Nagbihis na rin silang tatlo dahil sila din ang tatanggap ng mga bisita mamaya. Mga media personalities, influencers at mga sponsors ng grupo ang naroon. 

--

Naiingayan si Ken sa loob ng dressing room kaya lumabas muna siya sa hallway, papasok na sana siya sa kabilang kwarto nang may narinig siyang nag-uusap. Sinilip niya ito at nakita niya si Athena na nag-uusap sa telepono. Natigilan siya dahil hindi niya inexpect na makita si Athena sa ganoong ayos. Napakaganda nito sa puting tube dress na humuhulma ng katawan niya. Nakalugay ang buhok at napaka simple ng make-up nito. Nagmumukha tuloy itong anghel sa lupa dahil sa maamo nitong mukha.

Ilang segundo pang nakatitig si Ken ng napagtanto niyang hindi niya dapat ginagawa yon. Kaya habang nakatalikod si Athena sa pinto ay kumatok ito sa bukas nang pinto. Lumingon naman agad si Athena. Sumenyas siya kung ano ang kailangan ni Ken.

"Pwede ba dito lang muna ako? Ang gulo sa kabila eh." sabi ni Ken

"Oo naman."

Hininaan ni Athena ang boses para di masyado marinig ni Ken ang pag-uusap nilang mag-ina. Naka loudspeaker kasi ang telepono niya ngayon dahil hindi niya masyado marinig kung hindi ito naka loudspeaker. Kailangan niya na sigurong palitan ang cellphone niya. Umupo lang si Ken sa isang tabi na malayo kay Athena at naglaro sa cellphone nito.


[Athena and Mom Convo]

{Ma, alam mo naman na halos lahat ng sahod ko ay pinapadala ko na sa inyo.}

{Oo nga, eh paano kasi kulang pa rin}

{Eh di sabihan mo si kuya ma na magtrabaho din. Hindi naman ho pwede na yung pambayad ko sa renta ko ay ipapadala ko pa diyan.}

{Gamitin mo na lang muna, kailangan kasing bilhan ng gamot ang pamangkin mo.}

{Mama naman eh, problema na sana yan ni kuya.}

{Uunahin mo pa iyan kesa sa buhay ng pamangkin mo!?}

{Hindi naman sa ganun ma, pero baka palayasin ako sa nirerentahan ko dahil last month hindi din ako nakapagbayad dahil sabi mo ipapadala ko kay kuya}

{Bale kasalanan ko pa ngayon?}

Nanginginig na ang boses ni Athena sa mga sandaling iyon. Pinipilit niyang hindi maiyak dahil masisira ang kanyang make-up. 

Kahit na hininaan na ni Athena ang kanyang boses ay dinig na dinig pa rin ni Ken ang pag-uusap nila. Lumilingon siya kay Ken paminsan-minsan.

Hindi naman gusto ni Ken na maging bastos kaya nagpanggap lang siyang walang naririnig at patuloy lang ito sa paglaro sa cellphone niya.

{Hindi naman po ma. Ini-explain ko lang ho sa inyo na kailangan ko rin ng pera ngayon. Isang beses na nga lang ako kumakain.}

{Choice mo yan Athena ang hindi kumain dahil pag may gusto may paraan, kung ayaw maraming dahilan. Ang laki laki ng sweldo mo dyan sa Maynila tapos maliit na tulong hindi mo kayang ibigay sa kapatid mo}

{Mama, malaki nga ho ang sahod ko pero diba ma ako nagbabayad ng tution ni Teddy at Gwen? Dahil sabi mo walang trabaho si Kuya, pati ho tubig at kuryente niyo diyan at pang grocery}

{Alam mo Thena kung ayaw mong magbigay, sana sinabi mo na lang ng derecho, hindi yung nanunumbat ka.}

{Hindi ho ako nanunumbat ma, iniexplain ko lang ho kung bakit hindi ako makatulong ngayon kay kuy-}

Tinakpan siya ng nanay niya ng telepono. Huminga ng malalim si Athena para hindi ito umiyak. Lumingon siya kung nasaan si Ken na naglalaro sa kanyang cellphone. Lumapit si Athena sa kanya

"Uhm, sorry ha." maluha-luhang sabi ni Athena

Tumigil sa paglalaro si Ken, tumayo at inilagay ang cellphone sa bulsa. Lumapit ito kay Athena.

"Sorry saan?"

"Na kailangan mong marinig iyon." 

"Narinig ang alin?"  nagkukunwari wala siyang narinig.

"Alam kong narinig mo yun." tutol ni Athena

Tumahimik si Ken ng ilang segundo, tila iniisip ang gustong sabihin. Ken let out a heavy sigh and said:

"Hindi sa hinuhusgahan kita o ang pamilya mo pero ang dating kasi saakin ay nagtatrabaho ka para sa kanila."

"Yun naman ang dapat diba? Simula nang namatay kasi si papa, ako na ang tumayo bilang breadwinner kasi si mama hindi niya na kayang mag trabaho, si kuya naman ay iniwan ng asawa niya kaya siya nagbabantay sa dalawang anak niya." sabi ni Athena

"Pero sana unahin mo yung sarili mo. Mag-isa ka lang dito eh."

"Kung hindi ko sila uunahin, sino ang tutulong sa kanila? Kaya ko pa naman. Kaya ok lang."

Namangha si Ken sa kabutihan ng puso ni Athena. Na handa siyang isakripisyo ang sarili para sa pamilya. 

Pilit na ngumingiti si Athena pero halata sa kanyang mga mata ang kalunglutan. 

"Tayo na. Baka mag-uumpisa na ang program." sabi ni Athena






When our Worlds CollideWhere stories live. Discover now