Part 15

50 8 1
                                    

"Ok guys, dapat sa concert kung ano yung blocking natin ngayon, dapat yan talaga ha." sigaw ni Stell habang nagpapraktis ang grupo.

Non-stop na ang practice ng grupo dahil ilang araw na lang ay concert na nila. Hindi na rin masyadong nagkikita sina Ken at Athena. 

Athena's team is also making sure that the concert will be a success. They are busy calling all suppliers and coordinating with the producers to make sure nothing will go wrong on the day of the concert. 


Bumisita sina Athena sa venue ng concert ng SB19 para e double check lahat ng mga suppliers para sa nasabing event. Naroon din ang SB19 na nagpapractice kasama ang dance crew nila. Dumerecho lang ang team nina Athena sa backstage at hindi na inabala ang grupo.

Nakita ni Ken si Athena kasama ang mga kaibigan nito papuntang backstage. Ilang araw din silang hindi nagkita matapos ang gabing nagsama sila. Naging busy na rin kasi lahat sa kani-kanilang mga trabaho. Napansin din ni Ken na pumayat si Athena. Nag-aalala siya baka hindi na ito kumakain ng maayos dahil sa nangyari sa kanya.


-----


"Sissy, yung isang sponsor ng event hanggang ngayon ay hindi pa rin bumubigay ng logo. Major pa naman yun. Tapos yung kailangan natin intro video ready na daw" sabi ni Gino

"Tawagan ko mamaya, follow up ko. For now tawagan mo na lang ang incharge dyan na ipapahabol lang yung logo." sagot ni Athena

"Sissy nagugutom na ako. Hindi pa ko naka lunch eh." Lucy complained

"Ako nga din eh. Sabi ko sa inyo kanina dadaan tayo sa Jollibee eh." sabi din ni Gino

"Hoy Thena, kumakain ka pa ba? Nangangayayat ka oh." saway ng kaibigan

"Oo naman." patuloy pa rin sa pagtatrabaho dismissing her friend's topic

Lucy sat beside Athena and held her hand.

"Thena, nagaalala na kami sa yo. Huwag mo na muna masyadong isipin si Jeff. Kung gusto niya ng space, ibigay mo sa kanya. Tapos ikaw naman, magpakasaya ka. Thena, ikaw lang ang talo sa huli kung magpapaapketo ka."

"Tsaka mag-a-America pa tayo oh. Pano kung magkasakit ka?" sabi ni Gino

"Sorry ha kung nagaalala kayo saakin. Pinipilit ko naman eh. Kaso minsan ang hirap lang talaga, si mama din panay din ang hingi kahit alam niya na walang-wala na akong pera dito."

"Bakit kailangan mo pa ba? Pauutangin kita." sabi ni Lucy

"Huwag na, patong-patong na nga ang utang ko sa inyong dalawa, pati ang hiningi ni nanay sakin kahapon eh inutang ko pa sainyo. Hindi ko na nga alam kung paano ko mababayran ang mga yan." sabi ni Athena

"Bakit sinisingil ka ba namin? Hindi naman diba?" tanong ni Gino

"Salamat ha." sabi ni Athena

"Oh sige na, back to work na bago pa tayo mag-iyakan dito. Tumatawag na kasi si Mr Uy tungkol sa stage ng grupo. Need natin pumunta doon para ma check natin yung photobooth at ibang collats." sabi ni Lucy

"Eh paano yung mga tarpaulin natin? Natawagan mo na ba Gino? Teka sagutin ko lang to." sabi ni Athena

Habang nag-uusap si Athena sa telepono ay may kumatok sa pinto. Binuksan ito ni Lucy at naroon si Ken.

"Hi Ken, may kailangan ka ba?" tanong ni Lucy

"Si Athena?" 

"Si Athena? Uhm, nasa phone pa eh, may kausap pa. Pasok ka muna." sabi ni Lucy

"Huwag na. Para sa inyo, baka di pa kayo kumakain." matipid na sabi ni Ken sabay abot ng mga pagkain.

Lucy was surprised with Ken's gesture. He was not expecting this from him at all. Sa lahat ng members ng SB19, si Ken ang hindi approachable kaya nagulat siya sa ginawa ni Ken. Ngtataka din siya kung bakit hinahanap ni Ken si Athena. Parang may nangyayari na hindi niya alam. Kung tama nga ang kanyang hinala ay masaya siya para sa kaibigan.

"Sige mauna na ko." paalam ni Ken

"Ah hindi mo ba hihinta-"

Hindi na natapos ni Lucy ang sasabihin dahil tumalikod na si Ken at umalis. Si Ken ang isa sa mga tao na hindi masyado naiinteract nina Lucy dahil sa masyadong tahimik ito at hindi masyadong naghahalubilo sa tao. 

Inilagay ni Lucy ang isang box ng pizza sa mesa. Nang matapos si Athena sa kanyang tawag ay nakita niya ang box ng pizza sa mesa ni Lucy.

"Wow, umorder ka naman pala." sabi ni AThena

"Kay Ken galing yan." sabi ni Gino

"Bakit daw?" tanong ni Athena

"Hindi ko alam." pangiti-ngiti si Lucy

"Hoy, alam ko ang ngiti na yan Lucy!" sabi ni Athena

"Bakit? Wala naman akong sinasabi ah!"

"Walang nangyayari samin ni Ken noh. Jusko, mahiya naman tayo." sabi ni Athena

"Ay bakit namumula ang pisngi ng beshy ko?" tukso ni Gino kay Athena

"Kayo talaga, ang dami niyong issues sa life! Kainin niyo na lang kaya yan." 

"Sissy, what if nagkakagusto na pala si Ken sayo?" tanong ni Lucy

"Sis, hinding hindi mangyayari yon." sagot ni Athena

"Oh sige, pero what if ikaw na pala ang nagkakagusto sa kanya?" 

"Mas lalong hindi mangyayari yon. Mahal ko si Jeff, at alam kong mahal pa rin niya ako. Kailangan lang talaga naming mag-usap. Kaya bilisan niyo na diyan para maasikaso na natin ang pagsama natin sa America."

"Girl, hopeless case ka na." Sabi ni Gino

"Hopeless, pointless etcetera!" dagdag ni Lucy

"Sis alam kong mahal mo si Jeff, given naman yun dahil siya ang una mong boyfriend. But do you deserve this kind of treatment from him?" sabi ni Lucy

"I'm just holding on until makausap ko siya sa America, Lucy. I hope you understand." sabi ni Athena


------


Alas otso na at pauwi na sina Athena, natapos na rin nila sa wakas mga gawain nila ngayong araw. Plano din nilang mag unwind sa bahay nina Gino dahil sabado ngayon at walang trabaho bukas.

Nagkasalubong sina Athena at SB19 .

"Hi guys, mauna na kami. See you on Monday!" sabi ni Lucy

Ken and Athena looked at each other and smiled. Wala naman silang sinabi sa isa't-isa. Naiilang si Athena na batiin si Ken dahil baka ma issue siya ng mga kaibigan niya. 

"Uwi na kayo? Weekend oh. Wala kayong plano?" tanong ni Pablo

"Mag-u-unwind lang kami sa bahay, magluluto kasi si Athena, then uwi na rin after." sagot ni Gino

"Talaga? Sama ako!"sabi ni Josh

"Kami din!" sabay sabi ng grupo maliban kay Ken na tahimik lang sa likod

"Ah,eh, oh sige, pero baka hindi kayo magiging komportable doon?" sabi ni Gino

"Ano ba ang akala mo samin? Ipinanganak na mayaman?" sabi ni Stell

"Baka, ayaw niyo lang na kasama kami?" biro ni Stell

"Naku hindi no! Sure kayo?" sabi ni Lucy

"Oo nga!" sagot ni Pablo

"Wala naman kaming gagawin ngayon tapos gutom na rin kami kaya sasama kami sa inyo." sabi ni Justin

"May videoke ba dun?" tanong ni Stell

"Oo!" sagot ni Gino

"Tara na!" sabi ni Pablo







When our Worlds CollideOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz