Part 32

68 8 2
                                    

Nagising si Athena na masakit na naman ang ulo. Alam niya na naparami ang kanyang nainom kagabi. Hindi na siya nagtaka kung bakit ganoon ang pakiramdam niya.

Parang normal na lang para sa kanya ngayon ang magising na may hangover. Para sa kanya mas mabuti na lang na uminom at derecho ang tulog  kesa naman na magising siya ng madaling araw na umiiyak. 

Napansin ng mga kaibigan niya na parati siyang naglalasing. Iniintindi lang muna nila ito dahil nga may pinagdadaanan ang kaibigan nila. 

"Morning!" masiglang sabi ni Lucy

"Beshy ko! Grabe ang wild mo kagabi." tawang tawa na sabi ni Gino

"Huh?"

Nagtaka si Athena. Hindi niya alam kung ano ang nangyari kagabi. Gaano ba karami ang nainom niya?

"Wait kunin ko ang phone ko." sabi ni Gino

Tinignan niya ang video na kinuha ng kaibigan at nakita niya doon na nakipag sayaw siya sa isang foreigner. 

"Grabe oh! Ang sexy mo dito sistur!" sabi ni Gino

"Yan dapat sissy! Dapat palaban! Di magpapatalo sa afam!" tawang tawa ni Lucy

Hindi alam ni Athena kun ano ang kanyang magiging reaction sa ginawa niya kagabi. Hindi naman siya nakipaghalikan sa lalaki, pero napaka-hot tignan. Hindi niya inakala na magagawa niya pala iyon.

"Anong sabi ng mga kasama natin?" tanong ni Athena. Nag-aalala sa kung ano ang sasabihin ng mga kasama niya.

"Wala. Masaya nga sila na you're having fun! Tsaka we're all adults here. Single ka naman, so keribels lang."

"Oh, ok." ang tanging nasabi ni Athena



------


Wala sa mood at kulang sa tulog si Ken. Mukhang magkakasakit na siya dahil parang kulang siya sa pahinga. 

"Oh, ba't naman nakasimangot to?" tanong ni Justin

"Di naman siguro nakatulog yan!" sabi ni Stell

"Bakit naman?" sabi ni Justin

"Pano kasi si Athena may kasayawan na ibang lalaki kagabi."

"AAhhhh."

"Pinagsasabi niyo?!" sabi ni Ken

"Sus, aminin mo na Ken! Kitang-kita kita kagabi eh. Kung makakamatay ang tingin mo, siguro namatay na yung foreigner na nakasayawan ni Athena kagabi."

"OOhhh juicy! Di ko alam seloso pala si Ken? Akala ko ba yung mga babae ang patay na patay sa kanya. Ba't parang ngayon siya na ang naghahabol."

"Wala talaga kayong magawa sa buhay niyo at ako ang pinagdidiskitahan ninyo. Anong naghahabol ang pinagsasabi niyo?" sabi Ken

"Totoo naman ah. Hindi ka nga makausap kagabi eh."


Hindi siya nakatulog sa sobrang inis niya kay Athena. Naglasing naman ito at nakipagsayawan pa sa ibang lalaki. Hindi naman siya maka react dahil wala naman siyang karapatan. 


"Oh paano, magkita-kita na lang tayo sa lobby ha?" sabi ni Stell

"Sama ako." sabi ni Justin

Naiwan si Ken sa kwarto. Humiga siya sa kama dahil nanghihina siya. Hindi naman sila nagmamadaling umalis dahil mamayang hapon pa ang flight nila. 

Nagkaroon siya ng panahon para makapag-isip. Tinatanong niya ang sarili kung bakit ba niya talaga ginagawa ito. Sinisigurado niya kung ang nararamdaman niya para kay Athena ay totoo. 

When our Worlds CollideHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin