Part 26

59 9 2
                                    


Mayroon pa silang isang araw bago sila umalis papuntang LA. Kaya napagdesisyunan ng lahat na mamasyal muna. Pero bago pa sila magkanya-kanya ay sabay muna silang kumain ng almusal.

"Beshy, excited ka na bang mag New York?" tanong ni Gino kay Athena

"Dito naman na tayo sa New York ah." sagot ni Athena

"Oo nga, pero hindi pa tayo nakapag gala dito. Imagine mamaya shopping is real to!" sabi ni Lucy

"Anong shopping? Kahit jacket nga para sa lamig di ako makabili." sagot ni Athena

"Gusto mo pauutangin kita?" tanong ni Gino

"Naku huwag na! Ang laki na ng utang ko sa inyo diba? Tsaka kailangan ko mag ipon para sa bahay." sagot ni Athena

"Unahin mo naman minsan sarili mo sissy. Minsan lang naman to kaya treat mo naman self mo." sabi ni Lucy


-----

 Natapos na ang lahat mag almusal at aalis na sila para gumala sa New York. May iba na hindi sumama sa grupo at nagkanya-kanya. Isa na doon sina Athena. Bago sila umalis ay nagpaalam muna sila sa grupo kung pwede muna silang mamasyal mabuti naman at pinayagan sila.

Sa buong pamamasyal nila ay napakasaya ni Athena. Hindi niya inakala na makakatapak siya sa ibang bansa at sa New York pa. Sumama siya sa mga kaibigan niyang si Lucy at Gino sa pagbibili ng mga pasalubong para sa kani-kanilang pamilya. Nalungkot na konti si Athena dahil naalala niya ang kanyang pamilya na hanggang ngayon ay hindi pa niya nakakausap.

"Thena, hindi ka ba bibili?" sabi ni Lucy

"Hindi na, sunod na lang siguro." sagot ni Athena

"Alam mo Thena, mag enjoy ka naman ng konti." sabi ni Gino

"Uunahin ko pa ba yan kesa sa ipapadala ko kila mama? SIge lang, mag enjoy lang kayo dyan, if may magugustuan ako, bibilhin ko naman." sabi ni Athena

"Oh sige ikaw bahala."


Habang nag-iikot silang tatlo sa isang shop ay nakatanggap si Athena ng message galing kay Ken.

K: Nasaan ka?

A: Di ko na alam, sumasama lang ako kina Lucy at Gino. Bakit Ken?

K: Magkita tayo

A: Bakit ba? May ipapagawa ka?

K: Sabi mo, kahit anong iutos ko sayo, susundin mo?

A: Ngayon ba talaga? di ba pwedeng mamaya? Eto lang ang chance ko na ma experience ang New York oh

K: Bilisan mo. Magkita tayo sa hotel.

A: Ken, sagutin mo ko, kailangan ba ngayon?

K: Pupunta ka ba? Oh di kita sasamahan kay Jeff?

A: Ken naman eh.

K: Sagot

A: Eto na pupunta na. 


"Kakainis naman to!" sabi ni AThena sa sarili sabay kamot sa ulo

"Hoy, ba't ka naman nakasimangot?" tanong ni Lucy

"Ha? Ah wala, bigla kasing sumangit ang paa ko. Balik muna ako sa hotel."

"Samahan ka namin."

"HUWAG! malakas na sabi ni Athena

Nagulat ang mga kaibigan ni Athena sa naging reaction niya, binawi naman agad ni Athena

"I mean, huwag na, magpapalit lang siguro ako ng sapatos. Text niyo na lang ako kung nasaan kayo para susunod ako sa inyo."

When our Worlds CollideWhere stories live. Discover now