Part 28

73 10 4
                                    

Ilang segundo siyang tinitigan ni Ken. Mukhang nagulat ang binata sa ginawa ni Athena. Lumalakas ang tibok ng puso niya dahil baka nagalit si Ken sa ginawa niya at masisira ang mabuting samahan nilang dalawa. At baka maapektuhan din ang trabaho nila. Hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin niya dahil kahit siya ay nagulat din sa nagawa.

Naisip niya lang nang  mga sandaling iyon na kung kayang gawin ni Jeff iyon sa kanya ay kaya niya ring gawin ito na para bang hinahamon niya ang kanyang sarili. Pero sa maling lalaki niya yata nagawa iyon kaya ang tindi ng pagsisisi niya sa ginawa.

Pero bakit gusto niya pang ulitin iyon? Kung bibigyan siya ng pagkakataon ay hindi siya magdadalawang isip na halikan ulit ang binata. Napakalambot at mainit ng mga labi ni Ken. Sa mga sandaling iyon, habang nagtitigan sila ni Ken ay bumaba ang tingin niya sa mga labi nito.

Jusko, ano ba tong ginagawa mo Athena? 

"Ken- sorry talaga, di ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko ba't nagawa ko y-"

Hindi na pinatapos ni Ken ang sasabihin pa sana ni Athena. Without a word, Ken lowered his head, cupped Athena's face, and kissed her on the lips. Athena felt an overwhelming rush of emotion. She could feel the intensity of his admiration through that kiss.

Tuluyan nang natalo si Athena ng kanyang emosyon. She responded to the kiss by wrapping her hands on Ken's strong neck, holding him tightly in a hug that spoke volumes, carrying the weight of their connection, and shared emotions. Ken held her tighter by grabbing Athena's waist and pulling her closer. 

Ken was drowned with his own desires at ganun din si Athena. Nang mapagtanto ni Athena ang ginagawa nilang dalawa ay kumalas agad ito sa mga bisig ni Ken. 

Athena tried to say something but she can't, she doesn't know how to. Parang nawala ang boses niya sa mga sandaling iyon. Nagulat siya sa nangyari at hindi niya alam kung ano ang sasabihin kaya

"Ken- I'm so sorry Ken." ang tanging nasambit ni Athena at lumabas agad sa kwarto ng binata.


------


Nanlamig si Athena sa nangyari. Hindi siya makapaniwala na nagawa niyang iyon at mas lalong hindi siya makapaniwala na si Ken, na isang sikat na personalidad ang nakahalikan niya.

"Oh my gosh, ano ba tong pinasok ko?" sabi ni Athena sa sarili habang hawak-hawak ang kanyang mga labi.

Humiga si Athena sa kanyang kama at tinititigan niya lang ang kisame. She is thinking of ways to avoid Ken. Pero paano? Naisip niyang itulog na lang lahat ng gumugulo sa isip niya at lahat ng kaba na nararamdaman niya. Pero kada pikit ng mga mata ni Athena ay ang pinagsaluhang halik nila ni Ken ang kanyang makikita.

Lumuhod siya sa kanyang kama at ibinaon ni Athena ang ulo sa ilalim ng kanyang unan. 

Naisip niya na dapat nagdadalamhati siya ngayon dahil pinagpalit siya nang nobyo pero ang ginawa niya ay nakipag harutan pa siya kay Ken.

"AAaaahhhh! Bwiset ka Athena!" kausap ang sarili habang walang tigil ang pag hampas ng unan sa kama

Nang mapagod ay humiga ito ulit sa kanyang magulo nang kama. Hindi maalis-alis sa isip niya ang mga halik ni Ken. Bumabalik-balik sa isip niya ang mahigpit na yakap ni Ken, ang maiinit at malambot niyang mga labi at higit sa lahat ang pakiramdam habang pinagsaluhan nila ang halik na iyon. Napahawak si Athena sa kanyang mga labi, kasunod nito ay hinawakan niya ang kanyang dibdib. 

"Gusto mo ba si Ken, Athena? Nahuhulog ka na ba sa kanya? Pero paano? Mahal mo si Jeff diba? Pwede ba yun?" kausap ang sarili


When our Worlds CollideWhere stories live. Discover now