Part 12

61 7 4
                                    

Dalawang oras lang ang tulog ni Athena. Sinubukan pa niya kasing tawagan ang nobyo pero hindi pa rin nito sinasagot mga tawag ni Athena. Tanging text lang ang natanggap niya na nagsasabing busy ito. Naalala niya tuloy ang sabi ni Ken na baka ayaw talaga siya nitong makausap.

Parang sasabog ang ulo niya ngayon. Sana hindi na lang siya natulog kagabi, sana dinerecho niya na lang ang gising. Hindi na napansin nina Ken at Athena ang oras kagabi. Kung iisipin nga eh hindi naman ganun katagal ang pag-uusap nilang dalawa. 

Bago siya umalis ng condo ay uminom muna siya ng gamot. Inis na inis siya sa kanyang sarili ngayon dahil alam niyang hindi siya makakapagtrabaho ng maayos ngayong araw. Buti na lang nasa field siya ngayon. Magkakaroon siya ng pagkakataong umidlip habang naghihintay ng mga pinapirmahang permits.

Nang matapos na siya sa City Hall ay dumerecho na siya papuntang Studio ng SB19. At habang nasa byahe ay nakatulog si Athena. 


---


Kakadating lang ni Ken sa studio at halatang walang tulog ito.

"Ba't ngayon ka lang?" tanong ni Pablo

"Di ba sabi ko mala-late ako?"

"Grabe namang late 'iyan, apat na oras." sabi ni Stell

"Eh, sarap matulog eh" ang tanging sagot ni Ken at 


----



"Miss, miss, andito na tayo."

Napasarap yata ang tulog ni Athena. Mejo malayo din kasi ang byahe kaya sinulit niya na iyon. 

"Ay sorry nakatulog ho ako." 

"Ok lang po maam."

"Thank you kuya."

"Maraming salamat maam."


Bago pumasok si Athena sa opisina ay inayos niya muna ang kanyang buhok. Hindi kasi siya nakapagsuklay kanina bago umalis ng condo. Sa katunayan ay hindi talaga siya nagkaroon ng pagkakataong mag-ayos. Ang suot niya ngayon ay isang maxi dress na sleeveless at naka birkenstock na 2 strap sandals. 


"Good afternoon!" bati niya sa lahat

"Halos magkasabay lang kayo ng dating ni Ken ah! Anong meron?" tukso ni Stell

Athena glanced at Ken and their eyes met. Dali-daling umiwas ng tingin si Athena, baka kasi ma issue pa silang dalawa.

"Huh? Kakagaling ko lang kaya ng City Hall!" sagot ni Athena

"Oh ba't ka defensive? Siguro totoong magkasama kayo no?" tukso ni Stell

"Luh!" ang tanging nasagot ni Athena

Namula ang mga pisngi niya dahil di niya alam ang isasagot. Hindi niya naman masabi na magkasama sila ni Ken kagabi dahil baka e-deny niya ito, mapahiya pa siya. Napa-isip siya ng sasabihin.

Tangina, huwag ngayon Stell, hindi ako maka one-on-one sa 'yo ngayon. Lag ngayon ang utak ko!

"Anong meron?" tanong ni Josh na galing sa labas

"Si Thena kasi at si Ken na-late, eh tinatanong ko lang naman kung magkasama sila kagabi. Dami na agad sinabi." biro ni Stell na halatang gino-good time si Athena

Nakita ni Ken na natataranta si Athena sa pag-gisa ni Stell sa kanya. Halata naman na di masabi ni Athena na magkasama sila kagabi. 

Hindi niya masabi dahil nariyan si Josh? Tsk! 

When our Worlds CollideWhere stories live. Discover now