Part 36

97 9 7
                                    

May basbas naman ng grupo ni Ken at ng mga kaibigan ni Athena ang namumuong relasyon nilang dalawa. Sa mga natitirang araw nila sa Canada ay parating magkasama sina Athena at Ken. At mukhang nilubos-lubos talaga nila ang pagkakataong iyon dahil alam nila na sa pag uwi nila sa Pilipinas ay hindi na nila ito magagawa.

Nakita nina Lucy at Gino ang sigla sa kanilang kaibigan kada araw at mukhang unti-unti na rin ito nakaka move on sa kanyang pighati. 


------


"Ken, pahiram naman ng jacket mo, yung black na may embroidery." sabi ni Josh

"Oh" sabay hagis ng jacket

"Nice! Ba't parang ang bait mo ngayon? Akala ko mahihirapan pa ako sa paghiram sa'yo?"

"Paano kasi may date." sabi ni Stell

"Aah, kaya pala."

"Ewan ko sainyo. Kailangan ko nang umalis." sabi ni Ken habang pinapaliguan ng perfume ang katawan

"Ang aga-aga pa ah. Tsaka ano bang ginagawa mo? kailangan ba talagang ipaligo ang perfume?" sabi ni Stell

"Ganyang talaga! Para mabango." sagot ni Ken

"Naks naman! Mukhang inlove na inlove ha!" tukso ni Josh

"Josh, josh paano ba ang tanggal angas ng isang Ken Suson?"

"Ewan ko sa inyong dalawa! Kailangan ko nang umalis dahil may kukunin pa kasi ako." sabi ni Ken

Nagtawanan sina Stell at Josh, masaya rin para sa kaibigan nila pero mas natatawa sila dahil ngayon lang nila nakitang si Ken na ganito ka excited sa isang date.

Anong oras pa lang ay naghahanda na si Ken para sa sorpresang dinner niya kay Athena mamaya. 

Aalis siya ngayon para kunin ang bulaklak na inorder at dadalhin niya iyon sa restaurant kung saan sila mag di-dinner ni Athena. Pagka-iwan ng bulaklak ay bumalik din siya agad sa hotel para maghanda at sunduin si Athena.


-----



"Athena? Ready ka na ba?" tanong ni Lucy

Naghahanda sila ngayon na umalis mamayang gabi papunta sa last stop ng SB19 concert sa Edmonton, Canada. Nakipag meet si Athena sa lahat ng suppliers nila at mga producers sa Edmonton. Sinisigurado nila na magiging succesful ang last leg ng Canda tour ng grupo. 

Sa halos tatlong buwan na naroon sila sa America at Canada parang naging madali na lang para sa kanilang tatlo ang kanilang trabaho. 

Namimiss na rin nila ang Pilipinas. Kahit gaano kaganda ang mga lugar na pinupuntahan nila ay iba pa rin ang pakiramdam pag nasa sariling bansa sila. Matapos nitong tour ay mayroon pang ibang mga engagements ang grupo. Isa na roon ang pagbalik nilang ng California.

Matapos ang online meeting ni Athena sa mga staff sa Edmonton ay may kumatok sa pinto ng kanilang kwarto. Si Gino ang tumayo at nagbukas ng pinto. Hindi na siya nagulat nang makita niya si Ken dahil ilang araw na niyang sinusundo si Athena.

"Hi Ken, patapos na rin ang meeting namin with Edmonton, pasok ka muna." sabi ni Gino

"Hi!" tumakbo si Athena papuntang pinto at binati si Ken.

"Are you ready?"masayang tanong ni Ken

"Yup!" sagot ni Athena

Nang palabas na sila ng pinto ay sumigaw si Lucy

When our Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon